Chapter 5 - Help

7.6K 165 3
                                    

Chapter 5 - Help

Hannah Point of View

Limang araw na ako dito sa Good Christian Academy. Ang bilis ng araw at wala kaming pasok bukas kasi weekend nanaman.

"Hannah tara na, uwi na tayo" Aya nila Jaz.

Sa totoo lang ayaw ko nang magkaroon ng mga kaibigan dahil sa nangyari noon, mahirap talagang magtawila ng lubosan sa mga tao pero minsan kailangan natin sila. Kahit anong gawin ko na pag-iwas sa mga taong yun lalapitan parin nila ako, I'm just affraid na may mangyayari sakanila lalong lalo na ngayon na parang iba ang kutob ko sa banta ng babaeng si Nicky. Hindi ko man mapagkakatiwalan sila ngayon pero kapag napatunayan na nila na totoo sila baka magbago ang isip ko at tanggapin sila. Komportable rin ako sa kanila, madali lang naman iadapth ang sarili ko sa ibang tao maliban lang sa mga taong masama ang intensyon at parang matagal ko narin silang kilala kung ituring nila ako. Ano ba nakita sakin ng mga to?

"Sige!" tumango nalang ako saka kinuha ang bag at lumabas nasa classroom namin kasama sila.

Habang naglalakad kami naalala ko ang mga nangyari sa akin noong first day ko palang dito. Noong nakabangga ko si Nicky.

Speaking of Nicky, bakit hindi na nagpaparamdam ang babaeng yon?

"Wala ba kayong napapansin?" Tanong ko at napatingin naman sa akin sina Eloisa at Jazlene.

"Napapansin? Ang alin?" takang tanong ni Eloisa na napahinto na sa paglalakad.

"Bakit hindi nagpaparamdam si Nicky?"Nagtatakang tanong ko at nagkatinginan naman ang dalawa.

"Bakit? ayaw mo ba?" biro ni Jazlene at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

"Seryoso ka?" tumawa si Jazlene. Nakakainis talaga ang babaeng to, palagi nalang biro ang sinasagot niya sa akin.

"Siguro ay may plano yon na siguradong hindi natin magugustuhan" Napatigil sa pagtawa si Jazlene at napahinto ako bago sila napahinto rin. Anong sinasabi ni Eloisa?

Ano bang nalalaman nila sa babaeng yon? Ano bang sinasabi niyang plano niya na tiyak na hindi namin magugustuhan? Kuryos lang ako pero kahit anong sabihin o gawin nun ay hindi ako natatakot sa kanya. Kong demonyo siya, kaya kung lampasan ang kademonyuhan niya.

"Anong ibig mong sabihin Eloisa?" natanong ni Jazlene.

"Matagal na tayo dito Jaz. Alam kong kilala mo ang ugali ng babaeng yon" Pagtama ni Eloisa na nakatitig kay Jazlene "Ihanda nalang natin ang mga sarili natin sa anumang mangyayari!" dugtong pa.

Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko tungkol kay Nicky. Ayaw ko naman na malaman ang mga kasagutan sa kanila dahil gusto ko na ako mismo ang makatuklas ng mga sagot sa mga katanungan ko.

"Hannah, andiyan na ang sundo mo" pagpapa alam ni Jazlene at itinuro ang sasakyan na palapit nasa amin.

"Ihatid ko na kayo?" Nakangiting aya ko sa kanila nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan.

"Hannah tara na!" wika ni Kuya Clifford at isinarado na ang bintana ng sasakyan na nagpatulala kina Jazlene at Eloisa.

" H-huwag na lang Hannah" Tulalang wika ni Jazlene. "S-sa susunod nalang" dugtong pa ni Eloisa na nakatingin sa nakasaradong bintana ng sasakyan. Hayst! Palagi nalang silang natutulala kapag nakikita nila ang mga kuya ko.

"Sige mauna na ako" paalam ko sa kanila at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Kuya Clifford bakit ikaw ang sumundo sa akin?" Tanong ko.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon