Chapter 28 - Old Rule

3.4K 92 7
                                    

Eloisa Point of View

Maaga akong nagising dahil maya maya na ay may pasok na kami.

"Patayin mo nga yang alarm clock mo kundi sisirain ko yan!" Banta ni Jaz habang nakakumot parin at ayaw maisturbo.

And yes! Jaz is my roommate. Ayaw niyang gumising ng maaga at buong buhay niya kinaiinisan niya ang alarm clock.

"Wake up!" Gising ko sakanya tsaka pinatay ang maingay na alarm clock ko.

"Don't disturb me!" Sambit niya

"Jaz remember may pasok tayo ng maaga bahala ka pag late ka. Naka dalawang warning ka na at sa susunod you're dead paglilinisin ka na talaga, hindi kita tutulungan!" Paalala ko sakanya.

"Ok fine!" Sinamaan niya ako ng tingin at bumangon na siya sa kama tsaka naligo.

Nakaligo narin kami at nakabihis. Kumain narin kami kanina and ako ang nagluto, ako lang naman ang magaling magluto si Jaz I don't think so. pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami sa dormitory para sa klase namin nang naabutan namin si Hannah na papunta narin sa classroom.

"Hannah sino karoommate mo?" Tanong agad ang ibinungad ni Jaz kay Hannah.

"A-ah wala" Sambit niya tsaka pumasok.

"Anong wala?" Tinaasan ko siya ng kilay kase muka siyang nagsisinungaling sa amin.

"What I mean is hindi niyo siya kilala dahil bago lang siya dito"

"Ah freshman?"

"What?!" Napakunot noong tanong niya dahil sa sinabi ko.

May iba ata siyang iniisip at mukang na green minded siya sa sinabi ko.

"May problema ba sa sinabi ko?" Tanong ko sakanya.

"Nothing I just want to clarify something!" Saad niya tsaka umupo kaya ganun din kami.

"And what is that something?"

"Nothing!" Sagot niya.

Bumukas ang pinto at iniluwal si Neithan na nakangisi kay Hannah at tong si Hannah umiwas lang ito ng tingin sakanya. Ano bang meron sakanila? Natigilan ako sa pagtatanong sa sarili ko nang tumunog ng napakalakas ang speaker sa buong campus na para bang bingi na lahat ang mga andito. Ang creepy ng tunog na iyon! Pagkahinto nito ay nagsalita na ang principal.

"Hello students! How's your first day in our dormitory? Is it good or bad?" Bungad niya na rinig sa buong campus.

Humalakhak ito at rinig namin ang mga nakakasukang tawa niya. Mga nadedemonyong salitang lumalabas sa kanyang bungaga kaya gusto kong takpan ang mga tenga ko para hindi ko na marinig.

"The old rule will be be restored starting tommorow!" Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya dahil parang alam ko na ang pinupunto niya.

"And that rule is..." Sumunod na saad niya. Shit! sarap sapakin ang pagmumuka niya at iuntog sa kasingkapal niyang pader dahil ang tagal tagal niyang magsalita.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon