Chapter 17 - Danger

4.1K 110 1
                                    

Ridge Point of View

Maraming mga tao ang nadadamay ngayon dito sa restaurant pero ni isa man lang sa kanila ay walang gustong lumaban. Natatakot sila sa kung anoman ang possibleng mangyari sa kanila kapag lumaban sila. Ganon na ba kalakas ang tingin nila sa mga grupo ng lalake na mga iyon? Tsk

"Andito na naman sila!" wika ng isa sa mga nagdatingan at umupo ito sa isang table.

"Tignan niyo nga naman pinagtagpo ulit tayo" ani naman ng kasama nito pagkapasok dito.

"Hindi parin ba kayo titigil?!" ani ni Hannah sa kanila.

"Bakit naman kami titigil? Pabalang na sabi ng isang lalake.

Ngayon ko lang siya nakita. Kakaiba ang kulay ng tattoo nito sa braso, isang pulang eagle. Possibleng siya ang leader ng grupo nila.

"Sino ka ba para magdikta sa amin? You are not our leader para utosan kami" Nakangising wika ng isa sa kanila.

Tarantado ang lalakeng to ah gusto mo bang matikman ang hell!

"Well I am not your leader but I am Death. Ako si kamatayan at kahit anong oras kaya kong kitilin ang buhay niyo!" Banta ni Hannah sa kanila.

Huwag niyong mamaliitin ang kapatid ko dahil mas malakas siya kesa sa inaakala niyo. Hindi siya isang pangkaraniwang babae lamang. She's good in everything lalo na sa pakikipaglaban, and she's even better than us.

"I like your words!" ani ng isa sa kanila.

Napatingin kaming lahat sa pinto dahil may mga nagsidatingan pang ibang kasama nito.

"Kaya mo?" ani ng lalakeng may pulang tattoo "Oo nga pala, na kaya mong talunin ang mga kasama ko nong nakaraan, but for now I'm sure hindi niyo na kakayanin!" Natatawang wika ng lalakeng may pulang tattoo na eagle sa braso.

"You're mistaken Mr. Red Eagle, because today I'll make sure na lahat kayo mamamatay ngayon" ani ko sakanya.

Kinuha ko ang dalawang baril sa bulsa ko at nagpaputok ng sunod sunod.

By the way kung nagtataka pala kayo kung bakit may dala akong palagi na baril, it is just because this is for our self defense incase of emergency like now.

"Shit!" Pagmumura ko sa kanila dahil kinuha niya ang bata at tinangkang babarilin sila.

Iyak ng iyak ang mga batang kinuha nila na patuloy na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nila.

"Ang hilig niyo talagang mangdamay ng iba!"

Madami na pala kaming natamaang mga kasamahan nito kaya naman pala naisipan niyang mangdamay ng iba.

"Bitawan niyo ang mga baril niyo or else papasabugin ko ang utak ng batang ito!" Nakangising ani nito habang nakatutok ang baril nito sa bata.

Napatingin sa akin si Hannah at binitawan niya ang hawak hawak niyang baril.

"Nagmamakaawa ako sa inyo huwag niyong sasaktan ang anak ko" nagmamakaawang wika ng ina ng bata.

Naawa ako sa bata na iyak ng iyak kaya naman binitawan ko ang hawak kong baril.

Bigla nilang dinampot si Hannah na ikinagulat ko. Hinawakan ng dalawang lalake ang mga kamay nito at sinuntok nila ito sa tiyan. Hindi makakilos si Hannah dahil sa higpit ng hawak ng mga lalakeng iyon.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon