Jazlene's POV
Nagising narin si Eloisa dito sa clinic. Tinulungan ko siyang bumangon dahil masakit ang likod niya dahil sa lakas ng pagbato nila na dapat kay Nicky pero inako niya. Napatulala nalang ako kagahapon dahil hindi ko inakala na tutulungan ni Eloisa si Nicky, kahit na galit siya kay Nicky nakuha pa niyang tulungan.
"Anong nginingitian mo diyan? Para ka tuloy sinapian ng siraulong kaluluwa!" Bulyaw niyang sabi.
"Masama bang ngumiti huh!" Nainis na sabi ko.
"Aba, Oo ah, lalo na kung ikaw lang ang ganyan!" Defensa ni Eloisa.
Wala akong nasabi but I rolled my eyes, talaga si Eloisa, minsa talaga may pagka shunga. Hayst! *napatampal ako sa noo*
Napatingin kami sa pintuan dahil may kumatok sa pintuan, tatayo na sana ako para buksan ang pinto pero binuksan na nila at iniluwal nun si...
"Sofie!" Gulat naming sabi ni Eloisa bago kami nagtinginan.
Natutulog ba akong gising? Bakit nakakakita ako ng multo? Hala, hindi kaya nabuksan ang third eye ko tapos makakakita na ako ng multo. Wahahaha hindi pwede!! Pinikit ko ang mga mata ko at iminulat ulit, nakatayo parin si Sofie sa pintuan.
"BOO!" Sigaw ni Sofie kaya nagulat kami at nagtakbuhan dito sa loob.
"ANO BANG GINAGAWA NIYO?!" Iritadong sabi ni Hannah na kararating lang at kasama si Nicky kaya napahinto kaming magkayakap ni Eloisa sa gilid.
"Para silang nakakita ng multo!" Ani ni Nicky.
Ano?! Multo? Oo nakakita kami, huwag mong sabihin na hindi nila nakikita! Hala! May third eye na talaga ako.
"Hindi niyo ba nakikita si Sofie?" Nalolokang tanong ko.
Nagtinginan si Nicky at Hannah bago Humalakhak. Hala! Hindi kaya nababaliw na sila o kaya nasasaniban na!
"Ouch! Ano ba ang sakit mo mamalo sa braso!" Ani ko sabay himas sa braso ko. Kung makapalo naman si Eloisa daig pa ang mama ko.
"Hindi ako patay! My god!" Sambit ni Sofie kaya dahan dahan kaming lumapit sakanya at hinwakan namin.
"Sofie buhay ka nga!" Ani namin at niyakap namin siya.
"Namiss ko kayong dalawa" Masayang sabi niya.
"Namiss ka rin namin ng sobra"
"Group hug?" Epal ni Nicky.
"Yah, tara na!" Sambit naman ni Hannah at yumakap din.
Pagkatapos ang pagyayakap namin ay nagkuwento naman si Sofie sa nangyari sakaniya at ginawa ni Nicky para tulungan siya. I did not expect na mabait pala siya. At sa wakas ayos narin kami ni Nicky at akalain niyo bestfriend pala ni Sofie si Hannah noon bata sila at dahil sa nangyari sakanya na akala niya namatay na ito, hindi na siya nakipagkaibigan pa. Kaya hirap siyang kaibiganin nung una. naalala niyo?
Dalawang beses ng akala nila na patay na si Sofie. What a coincidence!...
Pagkatapos nagamot ang sugat ni Eloisa at Nicky ay nakalabas narin kami sa clinic at habang naglalakad kami nagpasama sakin si Eloisa para pumunta ng Cr. Ewan ko sakanya may Cr naman sa dorm doon pa sa tabi ng classroom namin mas gusto niya. Eh paano ihing ihi na yung tao at gusto niya sa malapit. Naku kapag may nagpakitang multo samin lagot sakin si Eloisa. Gabi na kase, alam niya naman na matatakutin akong tao.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...