Chapter 41 - Hukay

2.7K 71 2
                                    


Hannah Point of View

May second round daw na magaganap sa racing bukas pero si Kuya Ridge ang nanalo sa laban nayun siguro hindi matanggap ni Xian ang pagkatalo niya kaya siya nagpa scheduled ng second round. Kasalanan naman niya kung bakit ganun ang kalabasan ng laban nila Kuya Ridge. Kung cheater si Xian kayang higitan at sabayan nun ni Kuya Ridge.

First time kong sumali sa racing, hindi pala naisasali na ako noon pero nahuhuli ako ni Dad at pinipigilan niya ako. Nasa second place lang ako at may kumukuha pa sa amin para makisabak sa international motorcycle racing pero inayawan lang namin. Madaming isinusugod na nakikisabak sa race sa hospital dahil sa critical na kondisyon nila sa pakikibagsabak sa laban mula sa mga pagsabog at sa mga banggaan.

Ang duming makipaglaban si Xian at yung babae nayun. Speaking of yung babae, parang familiar na siya sa akin or nagkamali lang ba ako. Pero totoo nakita ko siya nung sinundan ko ang mga gang papunta sa Buenavista University. Hindi kaya si Xian at yung babae ay nag aaral sa pinapasukan kong school at isa rin silang gang?

Ilang araw narin ang nakalipas at bukas ay papasok na ako. Nasa loob ako ng kwarto at nakatitig sa labas ng bintana at kitang kita ko ang mga ilaw sa cities dahil sa malalim narin ang gabi. Hindi pa ako makatulog dahil naiisip ko pa rin ang nangyari sa'min ni Neithan. We are no longer together pero kahit na naging panandalian lang ang lahat, napamahal na ako ng sobra sa kanya. It's still hurt from now.

Humiga ako sa kama nang marinig ko ang sunod sunod na pagvibrate ng phone ko kaya agad na kinuha ko ito at tinignan nang....

Sh!t! Mga litrato ng mga bangkay! Halos mandiri ako sa mga litrato dahil yung iba ay inuuod na. Unregistered number to pero sino kaya ito. Tinawagan ko ang numero nayun at sinagot naman nito agad pero walang boses akong naririnig kundi isang creepy na tunog kaya binaba ko na ito hanggang sa sunod sunod na ang pagtawag niya kasabay ang pagsend nito ng mga litrato ng mga patay.

Tinakpan ko ng unan ang cellphone ko para hindi na marinig pa ang tawag nito hanggang sa naisipan ko na patayin ang phone ko nang may umagaw ng aking pansin na isang litrato. Ang litrato nina Eloisa at Jazlene na naka handusay sa sahig at naka takip ng itim na tape ang bibig nila at tsaka duguan ang damit.

Kinabahan ako sa nakita ko kasabay ang pag aalala.

Sino kaya ang taong nagsesend ng ganito sa akin? Bakit niya to ginagawa? Isa ba itong patibong? Pero litrato na to at mukang totoo. Nasa panganib sina Eloisa at Jaz!

Tumunog na naman ang phone ko at tinignan ko ang unang text message niya 'Iligtas mo na ang mga kaibigan mo ngayon hangga't hindi pa huli ang lahat!'. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa huling text niya.


Napaupo ako sa sahig at napasandal sa kama. Bakit ganito ang daming sunod sunod na kamalasan sa buhay ko? I'm so tired, mas mabuti pa sana kung patay nalang ako atleast wala na akong pinuproblema. Pagod na pagod na ako. Kahit kelan walang magiging katahimikan ang buhay ko kaya nasanay narin ako sa mga gulo.

Malalim narin ang gabi at napagpasyahan ko ng umalis ng hindi nagpapaalam dahil alam kong pag nagpaalam ako magdududa sila kung bakit ako aalis ng sobrang gabi.

I get my jacket at isinuot ang hoodie ko tsaka nagpalit ng damit bago lumabas. Tulog na silang lahat kaya tahimik ang bahay tsaka dahan dahan ang pagbukas ko ng pinto at pag sara. Sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin tsaka ako lumabas ng gate sa bahay at humanap ng masasakyan sa labas.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon