Hannah Point of View
Kagabi pa akong hindi mapakali dahil sa sobrang pag aalala kina Jaz at Eloisa. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin.Naglalakad ako papunta sa admi dahil may gagawin ako doon ng biglang may umepal sa harap ko at nakakabwisit ang ngising ibinungad niya sa akin. It's Nicky again, the devil princess.
"Problema mo?!" Inis na sabi ko dahil alam kong lumalapit lang ito sa akin pag may importanteng sasabihin.
"Hindi ka ba nag aalala sa mga kaibigan mo? Anong klase kang kaibigan?" Sabi niya sa akin.
Anong tingin niya hindi ako nag aalala at hindi hinahanap sina Jazlene? Ilang araw na kaya akong palaging lumalabas sa gabi at hindi pumapasok sa eskwela para makakita ng impormasyon tungkol sa principal pero sa ilang araw na iyon ay nabibigo ako. Ilang gabi naring hindi ako nakakatulog tapos ganyan ang sasabihin niya sa akin? Anong karapatan niyang maghusga sa akin kung hindi niya naman alam ang mga pinagdadaanan ko ngayon!
"Alam mo Nicky, kung wala kang importanteng sasabihin huwag mo akong kakausapin!" Galit na sabi ko tsaka aalis na sana ng iniharang niya ang kamay niya.
"Hindi ka ba nagtataka or you are just pretending na hindi ka naguguluhan sa mga nangyayari ngayon" Sabi niya habang nakatitig sa akin ng masama.
Ang daming bumabagabag sa isipan ko pero hanggang ngayon ilan pa lamang ang nasasagot sa mga katanungang iyon.
"I'm a great pretender, Oo nagpapanggap lang ako na hindi naguguluhan Nicky!" I said.
"Good dahil jan magsisimula ang tunay na pagkalabas ng dark side ng isang tao. Alam kong magagaya karin sa amin na papatay ng tao in order to save you're life or the life of OTHERS" Sambit niya sa akin. Mukang may gusto siyang iparating.
"Huwag kang magbulagbulagan sa mga taong naka paligid sayo Hannah... You must know, who's the traitors and discover who's your real enemy" May pinupunto siyang salita at nararamdaman kong isa tong banta niya.
"Don't worry isa isa konang napagtatanto ang mga lihim dito"
"But not at all, kalahati palang ang nalalaman ko tulad nalang sa totoong pagkatao ng kaibigan mo" Sambit niya sa akin at lumayo ng kunti.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga sinasabi niya.
"Ang mga best friends mo ang taong pinupuntirya nila ngayon...Do you know why? Dahil sa isang lihim na nalalaman nila, mukang wala ka pa ngang alam, o baka naman ayaw ka lang nilang madamay"
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystère / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...