Epilogue (1st Part)

2.6K 54 6
                                    

1 year later!

Hannah's POV

"Hannah it's already 1 year! wala kana ba talagang balak na bumalik sa Pilipinas?" Pangungulit ni Danica Shan sakin. Kinukumbinsi niya ako na bumalik sa Pilipinas. Sa totoo lang hindi lang siya kundi sina Eloisa, Jazlene, Sofie at sina Ate Jane rin ay kinukulit ako pero kahit anong pagngungumbinsi nila hindi parin nila mababago ang desisyon ko.

Kinuha ko yung coat ko sa sofa at isinuot bago nagsalita "I don't have any plan to go home yet, and beside, this is now my new home Danica, at kung gusto mong umuwi at bumalik sa Pilipinas, just go, hindi naman kita pinipilit na mag stay dito" Iritadong sabi ko bago lumabas sa hotel. Sinundan niya ako nang nakacross arm kasabay ang pagkadismayado ng kanyang mukha.

"Hannah naman eh, ang gusto ko lang naman ay umattend tayo sa reunion natin na magkakaibigan sa susunod na araw. Yun lang talaga at pagkatapos nun hindi na ako mangungulit pa na magstay ka sa Pilipinas" Pagmamakaawa ni Danica.

Magkakaroon kase ng reunion ang barkada kasama sina Blade, Ate Jane at mga naging close namin doon. Pero wala akong balak na umattend kahit anong sabihin nila. I'm starting to forget everything. Pero sa totoo lang ayaw ko lang makita at makaharap si Neithan.

Nasabi narin sa'kin ni Dad ang totoong nangyari tungkol kay Tita Katherine na wala siyang kasalanan pero huli na ang lahat.

"Danica how many times do I have to tell you this? I don't have any plan to go back in the Philippines anymore! Maliwanag na ba yun sayo" Galit akong humarap sakanya bago pumasok sa kotse ko at iniwan siya.

Sa totoo lang hindi ako masaya dito. 1 year na ang nakakalipas pero ang puso ko hindi parin nakaka recover. Yun bang parang may kulang parin at kailangan kong hanapin, na linawin ang lahat. Linawin mula sakanya kung mahal parin ba niya ako at gusto kong humingi ng tawad sakanya kahit hindi ko na maibalik ang dating samahan namin pero umaasa akong magiging kami ulit at maiisip niya nalang na sana nandon parin kami sa GCA kahit na delikado atleast kasama ko siya.

Pero hindi tama na sarili ko lang ang iisipin ko at hindi ang kapakanan ng iba. I miss my old school, maraming taon na ang nakalipas at sa tingin ko masaya na siya sa bagong buhay niya at baka nga may bago na siyang mahal, tama! kaya hindi na ako babalik pa at manggugulo.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya hininto ko muna ang sasakyan at ipinark sa gilid dahil alam kong magiging mahaba na naman ang away namin sa telepono ni Blade.

Kasama ko siya dito at dinadamayan niya ako sa problema ko. I'm thankful na meron akong kaibigan na tulad niya after what happened to us, dahil hindi naging hadlang yun para iwasan niya ako. Dahil sakanya unti unti kong nakakalimutan ang dapat na kalimutan . Tsaka what's the point para maalala ko pa ang relasyon namin ni Neithan noon ngayong wala na talaga kami.

[Hannah ano nagbago na ba ang desisyon mo?] Bryle asked.

"Pwede bang tigilan niyo na kakatanong sakin niyan! Nakakairita na kayo!" I shouted.

[Dahil ba a-attend si Neithan?] Tinanong pa niya. [Kung talagang naka move on ka na sakanya, Umattend ka at kapag hindi ka umattend ibig sabihin mahal mo parin siya] Saad nya.

Pinindot ko ang speaker ng Phone call at inihagis ang cellphone sa backseat. Wala akong balak sagutin siya ngayon, ilang cellphone narin ang nasira ko ng dahil dito.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon