Chapter 23 - Skills

3.9K 105 3
                                    

Kenneth Hans Point of View

   
Kailangan na naming maghanda dahil nagsisidatingan na ang mga kalaban. Nagsisimula na silang gumawa ng plano para mapabagsak at mapaslang kami.

Andito kami ngayon sa kusina at pinagplaplanohan ang aming gagawing kilos. Kami lang na mga lalaki ang andito kasama si papa. Wala dito si Hannah dahil nasa skwelahan palang nila siya.

"So anong plano niyo?" tanong ni Clifford habang kumukuha ng inumin sa ref.

"Kailangan nating ihanda ang sarili natin sa anumang mang yayari" sabi ko.

"Kailangan ko kayong protektahan mga anak. Nakapagdesisyon na ako, dadalhin ko kayo sa ibang bansa" sambit ni Dad.

"Hindi pwedeng ikaw lang mag isa ang lumaban sa kanila Dad. Malaki din ang atraso nila kay Mom" suway ni Jaylord.

"Tama siya Dad, hindi pwedeng palagi nalang tayong nagtatago" sabi ko.

Totoo naman diba. Simula nong mawala si Mom ay palagi nalang kaming tinatago ni Dad para hindi kami mahanap ng mga kalaban. Pero kahit na lipat kami ng lipat ay nahahanap at nahahanap parin nila kami.

Kaya nga kami bumalik dito sa Pilipinas para harapin na sila. At napag usapan na namin to noon pa. Pero ngayon parang pinanghihinaan na naman si Dad ng loob.

"Kailangan na nating harapin sila. Ito na yung tamang panahon para lumaban tayo" sang ayon ni Clifford.

"Kahit na eto pa yung magiging dahilan ng kataposan natin atleast magiging payapa na tayo" seryosong sambit ni Ridge habang pinapa ikot niya ang cellphone niya sa mesa.

"Tama na nga yan Ridge, nahihilo na ko!" biglang utos ni Xavier at napahawak  pa ito sa kanyang ulo. Panong hindi siya mahihilo kung tinititigan niya ang pag ikot ng cellphone ni Ridge.

Talaga tong si Xavier siraulo bat kasi niya tinititigan ang ginagawa ni Ridge eh alam na nga niyang nakakahilo.

"Bakit mo kase tinititigan?" Sambit sakanya ni Ridge at tawa ng tawa.

"Tumigil na nga kayong dalawa! andito tayu para pag usapan ang importanteng gagawin natin hindi para makipaglukuhan" sabi ni Clifford na nagpatigil sa kambal.

"Naayos ko na lahat ng mga papeles niyo at sa susunod na linggo na ang flight papuntang Los Angeles" sabi ni Dad.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon