Chapter 42 - Panganib

2.8K 74 4
                                    


Hannah Point of View


Naglalakad ako papunta sa silid nang nadaanan ko si Michelle dito sa hallway.

"Michelle, nakita mo ba sina Jaz at Eloisa?" Tanong ko sakaniya at nagbabakasakaling nakabalik na ang mga to.

"Hindi pero ilang araw na silang wala, ano bang meron?" Tanong niya sa akin pero wala akong maisasagot sa tanong niya. Pati nga ako wala akong kamalaymalay na nasa kapahamakan sila.

"Nothing!" Sambit ko at aalis na sana pero nagsalita ito.

"Simula nong araw ng sagutan ni Principal at Jazlene ay doon na sila nawawala" Sambit niya na ikinataka ko.

"Anong klaseng sagutan?" Napalapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Sorry Ms. Secretary ayoko pang maging komplikado ang buhay ko para makielam sa inyo...sapat na ang mga nasabi ko" Saad niya at umalis na doon.

Si Madam Evilyn lang ang makakasagot sa katanungan ko kung nasaan sila. Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroon ng principal. Wala akong pakealam kong manganib man ang buhay ko kung hindi niya sasabihin kong nasaan sina Jaz. hindi ako magdadalawang isip na kalabanin siya.

Biglang may humarang sa dinadaanan ko kaya napatigil ako.

"What do you think are you going?" Tanong ng babaeng to sa akin.

"Pinapalala mo lang ang sitwasyon nila!" Dugtong niya pa.

"So anong gusto mong gawin ko, manahimik nalang? Wala ka sa lugar ko na nag aalala" Sambit ko at napansin niyaa na wala ng studyante sa labas at magsisimula na ang Devil's Hour.

Hinila niya ako papunta sa stock room at napaupo doon.

"Huwag mong hayaan na ang pag aalala mong yan ang magdulot ng kamatayan mo Hannah... Hindi mo pa kilala ang taong kakalabanin mo... Dahil sa ginagawa mong yan you're making you're death easier... Mapapatay ka nila ng maaga" Sambit niya tsaka tumingin sa akin.

Marami siyang alam at kilalang kilala niya si Principal.

"Sino ka ba at bakit ang dami mong nalalaman?" Tanong ko na ikinangisi niya.

"Reze Salvador... Ang dating sekretarya na nasa posisyon mo noon" Sambit niya na ikinatahamik ko.

Tinignan niya ako "Ang isang sekretarya na bumagsak at bumaba na parang binagsakan ng kamalasan ng dahil lang sa pag ibig pero wala akong pinagsisihan" Napabuntong hiningang saad niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "Walang lugar ang pag ibig dito at kung ako sayo, you should never love!" Paalala niya sa akin.

"Anong nangyari at napabagsak ka?" Kurious na tanong ko sakanya.

"We fell inlove... Nagmahalan kami ni Cross, kahit alam naming bawal ito pilit naming itinago pero nalaman rin nila ang totoo dahil sa isang traydor na kaibigan ko na si Veronica" Napasama siya ng tingin sa akin dahil sa naalala niya ang nakaraan.

"Siya ba ang nagkalat?" Tanong ko at tinignan siya bago ko ibinalin ang tingin sa isang silya.

"Dahil sa laki ng kainggitan niya sa akin at dahil sa gusto niyang maagaw ang posisyon ko pati narin ang mahal ko... May lihim siyang pagtingin kay Cross kaya ganun nalang ang pagtataksil niya sa akin kahit alam niyang kamatayan ang naghihintay sa amin!" Nararamdaman ko ang kalungkutan niya.

"Nasaan na ngayon si Cross?" Tanong ko sakanya at bumagsak ang mga luha niyang matagal na niyang kinikimkim.

"Namatay siya ng dahil sa akin... It is all my fault Hannah!" Napahagulgul siya at kinampante ko lang ito.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon