Hannah Point of View
Plinano kong magpahuli sa klase at maabutan ang Devil's Hour para malaman ko ang mga kaganapan sa labas.
Hindi ako gumamit ng uniform kundi nagsuot ako ng jeans at jacket na may hoodie tsaka suot suot ko ang aking mask para hindi nila ako makita.
Naglalakad na ako sa hallway nang naabutan ko ang mga nakakasuka na bangkay ng mga estudyanteng naka handusay at wala ng buhay. Wala pang ngang isang minuto pero ganito na kadami ang namatay paano pa kaya pag umabot ito hanggang matapos ang klase? This is only the beginning of the Devil's Hour at aasahan mo na hindi lang ganito kadami ang mamatay sa mga susunod na araw.
Nagtago ako sa gilid dahil maraming grupo ng mga armadong gang ang naglilibot dito hanggang sa may isang lalakeng gang ang napadpad sa pinagtataguan ko.
"Huli ka!" Paggulat niya sa akin kaya bago pa niya maipaalam sa kasamahan niya ay naunahan ko na siya. Iniuntog ko siya sa pader kaya nawalan ito ng malay.
Umalis narin sila kaya ganun din ako. Habang naglalakad ako narinig ko ang paghikbi ng isang babae at nagmamakaawa sa mga gang. Hinanap ko ito at nakitang may saksak siya sa binti at pinipilit niyang tumayo. Nagtago ako malapit lang sa kanila at tinignan ko ang bawat pangyayare, gusto ko siyang tulungan pero huli na ang lahat para tulungan ko siya dahil sinaksak na nila ito ng sunod sunod. Kung pumatay sila parang laro lang. They don't know the the significance of life. Hindi nila alam ang halaga ng buhay ng ibang tao. Hindi ko maintindihan kong ano ang laman ng mga utak nila.
Ibinalin ko ang tingin ko sa harap at nagpatuloy na maglakad hanggang sa naabutan ko ang maraming grupo ng mga gang dito at pinapalibutan ang dalawang babae.
Nagtago ulit ako para hindi makita at tsaka lumapit ng kunti para marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Huwag niyong sasaktan ang babaeng yan!" Sigaw ng lalakeng nakamascara ng asul at mukang kararating din lang.
Siya ang pangatlo sa pinakahighest according sa sinabi kahapon. Kaya naman binigyan siya ng respeto ng mga gang na nandodoon.
"Alam mong ikakababa mo ng ranko ang ginagawa mo" paalala sakanya ng isang gang na may tattoong agila.
Lahat sila ay may ibat ibang tattoo at meron din magkakapareho. Mukang magkakagrupo ang magkakapareho. Pero ano ba ang ibig sabihin ng mga tattoong yan? Ito ba'y may ipinapakahulugan?
"Alam ko! huwag mo akong paalalahanin na parang bobo dahil alam ko ang lahat ng ginagawa ko!" Sambit ng lalakeng nakamascara ng asul.
"I am just reminding you... Oo nga pala hindi kona dapat pang sinabi kase it's your lost naman dapat pa nga diyan ikatuwa namin ito diba?" Nakangising sambit niya.
"Mag celebrate ka kung kelan mo gusto at nasisigurado kong may kapalit ang kasiyahan mo at yun ay ang kamatayan!" Sumbat naman niya sa lalakeng iyon.
Napatingin ako sa babaeng nakatalikod kaya hindi ko alam kong sino yun pero mukang familiar. Hinintay kong humarap ito hanggang sa lumingon na nga ito kaya nakita kona ang muka niya.

BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...