Chapter 15 - Neithan's New Look

4.4K 108 0
                                    

Neithan Luke Point Of View

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom namin dahil may kukunin ako. Habang naglalakad ako nakatingin naman ang mga estudyanteng nadadaanan ko, ewan ko ba kung anong problema nila.

"Neithan?" Sigaw ni Calix sa akin at lumalapit ito.

"What?" Tanong ko sa kanya

"Sinong pinopormahan mo?" Pang aasar na tanong nito at umakbay pa

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Neithan I know you!" Nakangising wika nito sa akin "Bakit nakaayos ka?"

Ok fine! Masama bang ayusin ko ang sarili ko? Hindi kase ako masyadong nag aayos sa sarili ko kaya naisipan kong gawin yun ngayon pero kahit naman na magulo ako pinagkakaguluhan parin ako.

"Ano bang masama don?" Tanong ko

"Wala naman pero grabe ka Neithan, ang lakas ng tama mo sa kanila?" Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nakatingin sa akin at nakatulala pa pero hinayaan ko nalang sila ."Wala ka bang gagawin ngayon?"

"Meron, may kukunin lang ako sa classroom!"

Naabutan ko sa classroom ang mga kaklase ko kasama ang mga kaibigan ni Hannah pero wala si Hannah doon, baka nasa office ito.

"Neithan kasama mo ba si Hannah?" Tanong ni Eloisa sa akin

"Hindi"

"Wala ba siya sa office?"

"Hindi pa ako pumunta don" sagot ko at umalis na doon.

Pumunta ako sa Office namin at naabutan ko ang mga kasama namin don na lumabas.

"Anong meron?" Tanong ko kay Drake na papasok palang.

"May inutos si Teacher Chelsie sa kanila" aniya.

Nagtungo ako sa desk ko at naabutan ang sandamakmak na mga documents. Naupo nako pero napako ang tingin ko sa desk ni Hannah dahil wala parin ito.

"Drake saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya dahil aktong aalis na sana ito.

"Sa labas"

"You are not allowed to go out unless you help me finish these documents!"

"Pero may pinapagawa pa sa akin si Ms. Chelsie"

What the heck! Ako ang gagawa ng lahat ng to?

"Hindi ka pwedeng umalis!"

Kung aalis siya sino ang tutulong sa akin? wala pa naman ang mga ibang officers dito na pwede kong utusan.

"Hindi pwede Neithan, kailangang kong sumunod" sagot nito.

"Ok fine umalis ka na!"

Umalis na ito at naiwan na ako ng mag isa. Saan na ba kase si Hannah? Siya ang Vice president kaya dapat siya ang tumutulong sa akin pero wala naman ito. Paano ko sisimulan ito?

-*-*-

Hannah Point of View

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon