Chapter 20 - Bomb

3.9K 106 1
                                    

Kenneth Hans POV

Pauwi na ako galing sa office ni Dad. Kukunin kona sana ang sasakyan ko sa parking area dito nang pagkadating ko doon ay may naabutan akong isang lalake na nakaitim at natatakpan ang muka nito ng isang itim na tela at tanging mata lang niya ang nakikita. Parang snatcher ang kilos niya at minamanmanan niya ang sasakyan ko.

"Hey! What are you doing in my car?" Sigaw ko sakanya na ikinagulat niya at aktong tatakbo na sana nang agad kong kinuha ang aking baril sa bulsa ko at pinaputukan sa tabi niya na dahilan para huminto ito sa pagtakbo.

"Subukan mo lang tumakas at sisiguraduhin kong bangkay na ang aabutin mo!" Banta ko.

Humarap ito at inilabas agad ang baril niya at itinutok sa akin.

" Ikaw ang papatayin ko!"

" TSK Kung kaya mo! " nangiinsultong tugon ko at nginisian siya.

Tsk akala ba niya kakayanin niya ang isang Emmerson? Tsk I'll prove to that MotherF*cker! what Emmerson Family can do!

He gave me a killer smile at kinalabit agad ang kanyang hawak hawak na baril, ganun din ako. Pareho naman kaming dalawa na nakaligtas sa balang inilabas namin para isat isa.

Pagka ilag ko ay pinaputokan ko ulit ang baril ko ng sunod sunod malapit sa kanya, at dahil nagulat siya ay agad din niyang pinaputukan ang kanyang baril at sinubukan akong patamaan. At dahil nga mahusay ako sa mga ganito ay nailagan ko itong lahat.

And because it's my turn again, pagkakuha ko ng tiyempo ay pinaputukan ko ang hawak hawak nitong baril nang bigla nitong naihagis sa baba dahil siguro sa takot na baka tamaan ko ang kanyang kamay.

Nang kukunin na niya sana ang nahulog niyang baril ay mabilis akong kumilos at pinaputukan siya ng bala malapit sa kanyang baril upang hindi siya makalapit doon dahil sa pagtatangkang kunin ulit ito.

"Subukan mong kunin at babarilan kita" pagbabanta ko at itinutok ang aking baril sa kanyang direksyon.

Agad itong napatigil at napaatras nang lumapit ko sakanya at kinuha ko ang baril malapit sa kaniya na nasa sahig.

"What did you do in my Car?!" Tanong ko sakanya

"Bakit ko naman sasabihin?" Nakangising sambit niya.

"Diyan kalang" sabi ko habang tinititigan siya ng masama.

Ano bang pakay niya sa sasakyan ko?
Hindi kaya may masama siyang binabalak sa akin? Masama ang kutob ko sa lalaking ito.

"Hands off!" wika ko at lumapit sa kanya habang nakatutok ang baril ko sa kanyang mukha.

"Wala kang makukuhang impormasyon sa akin" Natatawang wika nito at itinaas ang kanyang kamay.

Lumapit ako sakanya at kinuha ang dalawang kamay niya at inilagay sa kanyang likod at pinosasan.

"What are you talking about Mr. Stranger?!" Sabi ko at pinaluhod siya. Hindi ito nagsalita, imbes ay tumawa siya na parang baliw.

Dahil sa hindi na ako nakapagtimpi sa kanya ay tinutukan ko ang ulo niya ng aking baril at tinanggal ang kanyang suot na Maskara.

May pagkatanda narin siya at singkit ang kanyang mga mata. Dapat ko ba siyang galangin dahil mas matanda siya kesa sa akin? Tsk he don't deserve to be respected.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon