Jazlene POV
May pasok na naman kami bukas dahil tapos na naman ang weekend. Kaya naman ginigising ko tung tulog mantika kong kaibigan.
"Eloisa gising!!" Gising ko kay Eloisa na mahimbing ang tulog habang pinapalo ko ng unan.
Nakatira sa bahay namin si Eloisa kase malayo ang bahay nila papunta sa school namin kaya naisipan kong patirahin nalang siya dito kase palagi siyang late sa klase namin. Ok lang naman kina mom at dad na tumira siya dito dahil matagal na kaming magkaibigan at itinuturing narin nila si Eloisa bilang isang anak.
"Walang pasok ngayon!" Inis na sabi nito at inayos ang kumot.
"Anong walang pasok? Monday na ngayon!!" Pagpupumilit ko sa kanya.
"Maaga pa naman"
Nakakainis naman ang babaeng to siya kaya ang naglagay ng alarm clock dito para maaga magising tapos siya rin naman ang hindi babangon.
"Sunog!!!" Sigaw ko at agad naman na bumangon siya at nataranta sa pagsigaw ko.
"Asan? Asan?" Paulit ulit na tanong nito habang tumitingin sa labas ng bintana.
"Joke lang!" wika ko at napatawa sa reaksiyon niya.
"Nakakainis ka!" wika nito tsaka ako pinalo palo ng unan niya.
"Tama na nga!"
"Tara na kain na tayo" wika ko at lumabas na kami sa kwarto.
"Nakakainis ka Jaz sinira mo ang panaginip ko!" inis na wika nito.
"Ano na naman ba yang panaginip mo huh?" Tanong ko habang naglalakad.
"Yong Prince charming KO!" wika nito habang napakunot noo naman ako. Duh
Pumunta kami sa kitchen at nadatnan ang mom at dad ko na nasa mesa.
"Good morning mom, dad" greet ko at humalik sa pisngi nila. Ganun din si Eloisa.
"Good Morning Tita and Tito" Eloisa
"Umupo na kayo at ng makapag simula na tayong kumain" aya ni dad habang nakangiti kaya umupo na kami.
"Ano bang pinagtatalunan niyo ni Eloisa?" Tanong ni mom sa'min. Rinig niya siguro kami.
"Napanaginipan niya daw po ang prince charming niya Mommy!" bulgar ko na ikinatawa nila.
Palagi niyang sinasabi sa amin na malapit na daw dumating ang prince charming niya! Nababaliw na ata talaga siya sa kakahintay.
--*-*--
Hannah POV
Maaga akong pumasok sa school at papunta palang ako kaya hindi ko pa nakikita ang dalawa, alam niyo na sina Eloisa at Jaz. Oo Jaz nalang daw itawag ko sa kanya. Mahaba daw ang Jazlene. At tyaka friend ko naman na daw siya kaya nickname na daw niya ang gagamitin ko.
Nasa pathway ako ng madaanan ko ai Neithan.
"Sorry" paumanhin nito at napatitig sa akin. Sana hindi niya ako makilala. Kaya agad akong umilag tsaka pumasok nasa classroom namin.
"Good morning Hannah!" Sabay na sigaw nina Jaz at Eloisa na ikinagulat ko.
"Grabe kayo aatakihan ako sa puso niyan!" Biro ko kaya napangiti sila. Maya maya andiyan narin ang teacher namin kaya ibinalin ko nalang sa harapan ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...