Chapter 24 - Paghaharap

3.4K 97 3
                                    


Hannah Point of View

Matapos ang dalawang araw na training namin ay pumasok na ulit kami. Kung pwede lang sana, sana wala nalang pasok.

"Dito nalang ako Kuya" Sabi ko kay Kuya Kenneth na nagmamaneho.

"Huh bakit?" Tanong niya sa akin tsaka hininto ang sasakyan.

"Ok nako dito" saad ko tsaka kinuha ang bag ko sa likod ng sasakyan at lumabas.

Nasa tapat na ako ng school nang umalis na si Kuya.

Naglakad ako papunta sa classroom ko ng sumalubong sa akin ang mga studyanteng nagsistakbuhan palabas ng mga classroom nila at mukang may sasalubungin sila. Hindi ko sila pinansin kundi ay ipininagpatuloy ko lang ang paglalakad.

"Hannah" biglang wika ng babae na napagod sa kakatakbo. Isa siya sa mga nakaaway ko noon. Remember? kasama niya ang mga kaibigan niya na ngayon ay mga alipores kona. Actually, it is not my choice, it is their choice nagpumilit sila. Isa sila sa mga nagtatakbuhan. Halos lahat ng mga students dito sa campus.

"Anong meron?" Tanong ko sakanilang tatlo. Di na kasi matigil tigil ang pagtakbo nila.

"Tara tignan natin" aya nila sa akin kaya sumama ako sakanila at dinala nila ako sa kung saan ang mga kasama naming studyante.

"Tumabi kayo!" sabi ng mga alipores ko sa mga studyante tsaka sila tumabi. Halos nasa gitna na kami at ang mga kasama kong studentyante naman ay nasa gilid gilid at mukang may inaabangan.

"Sino ba ang hinihintay natin?"
Rinig kong tanong ng isa sa mga studyante nang biglang napahinto silang lahat sa pagbubulungan at nabigyang katahimikan ang paligid nang dumating ang sunod sunod na pagharorot ng mga magagarang kotse. Pati si Principal ay lumabas para tignan kong sino yung mga yun..... or...... alam na niya.

Pinagmamasdan ko ang Principal nang bigla akong hinila ni Drake papuntang gilid.
   
Shit! Kilala ko ang plaka ng isa diyan mga nakalaban namin ni Kuya Ridge nong pauwi na kami. Ano ang ginagawa nila dito?!

"Good Morning Good Christian Academiers" Malawak na ngiting bati sa aming lahat ni Teacher Chelsie na nasa harap ng mga sasakyan.

Ang dami ng mga sasakyan dito. Anong meron?

"Good morning" Bati rin nila except kay Drake at ako.

Hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang ilan sa mga ito.

Ang  ibang studyante dito ay kalmado lang pero mayroon ding mga studyente na hindi nasisiyahan dito at kitang kita ko ang kaba nila. Bakit kaya?

"Let's give a warm welcome to the gangs!" Nakangising wika ni Teacher Chelsie na hawak hawak ang microphone tsaka nakatitig sa akin ng masama.

Kung makatitig siya ng masama akala mo kung sino! Teacher pa naman Tsk. Dahil nabwisit ako ay nginisian ko rin siya pabalik nang biglang umiwas ito ng tingin. tsk yun lang wala na! ha-ha-ha tsk.

Iniba ko ang aking tingin nang biglang sunod sunod na nagbukas ang mga sasakyan at iniluwal ang mga grupo ng mga lalakeng nakaitim at naka maskara ng puti.

Anong meron sa kanila?

"Ang cool nila!" Kinikilig na wika ng mga kaparehas kong mga newbie dito.

May 3 pang sasakyan ang hindi nabuksan. Ano bang hinihintay ng mga to at bakit ayaw pa lumabas?. Nagpapaimportante pa siguro!

Habang hinihintay kong magbukas ang pinto ng sasakyang iyon ay bigla nalang may nagtulak sa akin kaya napunta ako sa gitna kung saan anduduon ang mga gang. tuloy lahat ng mga tao dito nasa akin ang atensiyon. May mga studyanteng pinagtawanan ako at meron ding ibang nagtsismisan na.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon