Chapter 44 - Sickness

2.8K 77 4
                                    


Hannah Point of View

Nasa loob ako ng dorm nina Eloisa at nasa tabi niya ako ngayon habang siya ay tahimik lang at tulala parin. Ilang araw na siyang ganyan at hindi pa ngumingiti, pag ngumiti naman ay pilit lang ito.

"Eloisa kumain ka na" Sabi ko sakanya kaya tumingin ito sa akin.

"Mamaya nalang" Sambit niya tsaka kinuha ang bag nito.

Palagi nalang ganyan ang sagot niya sa akin pag niyaya ko siyang kumain at pumapayat narin ito ng kunti.

"Teka" Pagpigil niya sa akin dahil lalabas na sana kami.

Hinila niya ako at pinaupo sa harap ng salamin.

"Aayusin kita huh huwag kang malikot" Sambit niya sa akin.

Hindi ko gustong inaayusan ako pero okay lang dahil siguro kailangan ko naring mag ayos ng sarili ko ngayon. Naiintindihan ko si Eloisa dahil palagi niyang inaayusan si Jazlene pag pumapasok sila sa school.

Tinanggal niya ang tali ko sa buhok at sinuklay tsaka nilagyan ng braid.

"Maglagay ka neto" Sambit niya tsaka iniabot sa akin ang pulbo at lipstik.

"Ayoko nga" Sagot ko pero nilagyan niya parin ng lipstik at pulbo sa muka ko.

"Grabe ka ang ganda mo naman pala pag nakaayos, ngayon nagmumuka ka nang dalaga" Ngumiti ito sa akin at nginitian ko rin siya.

Kinuha ko ang bag ko at umalis na kami sa dorm ng sabay. Hindi ko pa natatanong sa kaniya ang tungkol sa mga gang dahil ayaw ko siyang biglain.

Habang naglalakad kami sa hallway na sa akin ang atensiyon ng lahat nang nasa gilid hanggang sa may nakabangga akong lalake at napanganga ng humarap sakin tsaka nahulog pa niya ang mga gamit nito.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakaniya.

Tumango ito kaya ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ng makasalubong ko si Michelle sa loob ng classroom namin.

"Anong okasyon ngayon?" Sarkastikong tanong niya tsaka napa cross arms pa.

"Dadalaw ako sa puntod mo" Sambit ko at napangisi siya.

"Pinapatay mo na ako ngayon?" Lumapit ito sa akin at may binulong "Ang ganda mo talaga, nakakatomboy"

Tinulak ko siya kaya napaatras ito at napatawa dahil sa inasta ko.

"Eloisa, alis na ako" Paalam ko sakaniya at tumango naman ito.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon