Hannah Point of View
Alam kong pinagdududahan ako ng mga kapatid ko, lalo na si Kuya Ridge pero hindi pwedeng malaman nila ang kalagayan ko sa paaralang pinasukan ko. Madami na nga kaming kinakalaban, dadagdagan ko pa ba. Kaya ko tong tapusin at malalampasan ko to.
"Hannah tawag ka ni Neithan" Wika sa akin ng isang babae kaya tumango ako bilang response tsaka pumunta sa Office.
Ilang araw ko narin na hindi siya nakita simula nong araw na makabangga ko si Mr. Lucifer. Speaking of Mr. Lucifer, ano kaya ang nangyari sakanya ng araw na kinalaban niya ako? Maybe he's dead or alive. Whatever!
Pagdating ko sa SSG office naabutan ko si Neithan na abala ulit sa mga dokumento. Sa dami dami ba namang nag aaral dito ay hindi agad ito natatapos.
"Pinatawag mo daw ako?" Tanong ko sakanya at huminto naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako.
Bigla kong naalala sakanya ang lalakeng nakamascara.
"Ok ka na ba?" Tanong nito sa akin.
Wait! The way he said that words kaboses niya yung lalakeng nakamascara. Impossible kayang siya yun?
"Oo, bakit mo pala ako pinatawag?" Tanong ko sakanya.
"Dalhin mo to sa admin" Saad niya at iniabot ang files
Uutusan lang pala niya ako. Ano bang ieexpect ko sa taong to. Why I feel confused about this shit!
Kinuha ko yung files at lumabas na don. Ang init tsaka malayo layo ang admin dito. Bahala na nga.
Naglalakad ako papunta sa admin nang may humarang sa dinadaanan ko.
"Huwag ka ngang humarang sa dinadaanan ko!" Saad ko sa babaeng tinatawag nilang baliw pero I think she's not. Maybe tinatawag nila siya na baliw ang babaeng to dahil sa mga nalalaman niya na dapat ay matagal nang ibinaon sa limot.
"Hannah anong relasyon niyo ng lalaking naka itim ang mascara?!" Nakasimangot na tanong niya.
"Ano bang sinasabi mo?"
Ano na naman ba ang sasabihin ng babaeng to? Nilalaro ba niya ako. Well I'm not a toy!
"Well hindi mo nga siya kilala pero bakit bakit ka niya tinutulungan?!" tanong niya.
"Tinulungan? Saan?" Sambit ko tsaka pumunta sa punong malapit doon para sumilong kase naguusap kami sa kagitnaan ng init!
"Pinatay niya ang gang na nakasalamuha mo at nakalaban mo!" Tinitigan niya ako ng masama at nagulat ako sa mga sinabi niya. "Yung tao na dapat na papatay sayu, ngayon patay na!" Dugtong nito sa akin tsaka niya ako hinawakan sa kamay.
"Tama na!" Nataasan ko siya ng boses dahil naguguluhan na ako.
"May panganib na naghihintay sayo at sakanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sayo!"
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Misterio / SuspensoA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...