Chapter 8 - Revelation

6.1K 131 1
                                    

Eloisa POV

Natauhan narin si Jaz nang panghinaan siya ng loob sa pangbabanta ni Nicky. Hindi na  nito balak pang iwasan si Hannah. Tulad ko ay lalaban na siya at patatatagin na ang sarili at hindi papaapekto. Para sa kanya gagawin namin to anuman ang mangyari.

Naglalakad kami papunta sa classroom namin nang-

"Eloisa napansin mo ba si Hannah?" tanong nito at napahinto sa paglalakad, ganun din ako.

"Ang alin?" Tanong ko sakanya at tumingin ito sa akin.

"Alam kong marami ang bumabagabag kay Hannah!" Ganun din naman ang napapansin ko sa kanya pero hinihintay ko lang ang araw na siya ang magtanong mismo sa amin.

"Oo alam ko!" sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Bakit hindi nalang kaya natin sabihin sa kanya ang mga nalalaman natin!" sabi nito na dahilan para matigil ulit ako sa paglalakad.

"Para saan pa Jaz!?" Galit na sabi ko sa kanya. Ayaw kong malaman ni Hannah ang tungkol sa paaralan na to dahil natatakot ako na baka iwan niya kami dito at may mangyari sa kaniyang masama pag nalaman niya ito. Tawagin na nila akong selfish pero ginagawa ko lang naman ito para iligtas siya.

"Eloisa hanggang kailan natin itatago sa kanya?!" sumbat nito sa akin.

"Jaz napag usapan na natin ito!"

Nabaling ang pansin  ko sa mga nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa nagkumpulang mga estudyante.

"Ano kaya yon?" Tanong ko kay Jaz.

"Tara puntahan natin!" wika ni Jaz at naglakad kami papunta doon. Habang palapit kami ng palapit doon ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko na parang kinakabahan ako sa makikita namin.

"Excuse me!" wika ni Jaz at sumingit sa kanila, ganun din ako.

Nagulat ako sa nakita namin. Isang patay na babae na bumubula ang bibig. Nilason ata ito ng kung sino mang walang awang gumawa sa kanya nito.

"Napakasama mo!" sigaw ng isang babae habang iniiyakan ang patay na babae na nakahandusay sa sahig. Tinignan niya ng masama ang babaeng nakatayo malapit sa kanila. Narinig ko naman ang bulungan ng katabi ko dito na magkakaibigan daw ang babae namatay, yung umiiyak at yung isa pang babae.

"Dapat lang sa kaniyang mamatay dahil ahas siya! Inagaw niya ang taong mahal ko!" sambit ng nakatayong babae sa kanya

"Kaibigan natin siya Vivian!!!" Inis na tugon ng umiiyak na babae.

Kinain na siguro siya ng galit kaya naman nakaya niyanb patayin ang sarili niyang kaibigan. Sana hindi niya iyon ginawa.

"No she's not our friend anymore Elize!" wika ni Vivian at hinawakan niya si Elize.

"Don't you dare to touch me! Kriminal ka!" sigaw naman nito sa kanya na nag patawa naman ng malakas kay Vivian.

"Yes I'm a kriminal!" malademonyong tawa pa nito. Mukhang nababaliw na ito.

May dumating na isang lalake at pansin kong sinusulyapan siya ng iba. Nagtaka ako kaya sinuri ko ang pangyayari. Nagtaka ang lalaki at napatingin sa babaeng bumubula ang bunganga. Nagulat siya sa nakita nito kaya agad na lumapit siya sa babae tsaka ito napahagulgol at niyakap ito.
Mukhang siya ang rason kung bakit nagawa niyang patayin ang kanyang kaibigan. Hindi ko nalang pinansin iyon at umalis na doon kasama si Jazlene.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon