Jazlene POV
Sa wakas tapos na ang klase namin. School policies at mga rules lang naman ang diniscuss ng teacher namin ngayon.
Meron kaming planong puntahan si Eloisa ngayon. Matagal narin kaming hindi nakakapunta dun sa paborito naming puntahan. Isasama namin si Hannah. Sana magkaayos na kami. Ngayong hindi na niya kami pinagtatabuyan, hindi tulad noon.
"Hannah sama ka?" Nakangiting aya ko.
"May gagaw---?" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang mag salita si Eloisa.
"Sige na please para naman makabawi ka sa amin" nagmamakaawang sambit nito.
"Ok fine" halatang pilit na pagsang ayon ni Hannah kaya hinila na namin papunta sa favorite place namin at naglakad na kami since malapit lang naman.
"Where are we going?" Tanong ni Hannah na nakataas ang kilay. Napakamaldita talaga niya.
"Basta huwag kang mag alala malapit na tayo" sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nandito sa kami sa destinasyon namin.
"Andito na tayo!" Masayang wika ko at napatingin kay Hannah na nakakunot ang noo.
"Hindi mo ba alam kung saan to?" Tanong ko.
"Andito tayo sa pinakamalawak na streetfood dito sa village na to!" Mukhang kami lang ang excited ah.
"I know that this is a Street food place but the thing is anong gagawin natin dito?" Sabi niya at tanong nito habang nakatingin sa mga vendors.
"Para kumain bakit ayaw mo? favorite kaya namin tong place na to diba Eloisa?" tumango naman agad ito.
"Tara Libre ko?" Panghihikayat ni Eloisa at hinila si Hannah. Kumuha ako ng stick at fishball nang mapansin ko na nakatingin lang si Hannah sa mga pagkain. Wala atang balak kumain nito. Siguro hindi pa niya natikman ito dahil tumira siya sa ibang bansa.
"Tikman mo to Hannah masarap to" pang aaya ko at kumuha ako ng stick na may fishball at isinawsaw sa sauce at iniabot sa kanya.
"What is that?" Tanong nito at kinuha yung binigay ko.
"Fishball yan masarap yan" sagot ko at tinikman naman niya iyon.
"Masarap ba?" tanong ni Eloisa.
"Not bad" sagot ni Hannah.
"Ano po to?" tanong naman niya ulit at itinuro niya ang qwek qwek.
"Ah yan qwek qwek yan iha" Nakangiting sagot ng Ale.
"Ang ganda mo naman iha" puri ng nagtitinda kay Hannah. Totoo naman ang sinabi niya, maganda si Hannah kahit naka pang nerd. Hindi ko alam kung pansin din ba ng mga school mates namin yun.
"Bago ka lang ba dito?" tanong ulit ng nagtitinda.
"Opo" Nakangiting sagot ulit ni Hannah.
Medyo natagalan kami sa lugar na yon. Nagsisimula na kasing magdilim kaya nagpasundo nalang ako.
"Nagpasundo na pala ako, parating na yon" Nakangiting wika ko at tumingin kay Hannah na napahawak sa tiyan niya.
"Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko ngunit bigla nalang siyang nagsuka.
"Hannah!" Sigaw ni Eloisa at matutumba na sana ng agad namin siyang sinalo. Dinala agad namin siya sa hospital. Saktong kadarating lang ng driver namin.m
--*-*--
Hannah POV
Napadami ako sa pagkain ng mga streetfood kanina. Kahit na ayaw ko na dahil gusto ko lang sabayan ang hilig ng dalawa nang bigla nalang akonv sumuka kaya dinala agad nila ako sa hospital.
"Hannah sorry, sana hindi kanalang namin pinilit" nakayukong wika ni Jazlene.
"Ano ba kayo, walang may kasalanan, ok na ako" Nakangiting tugon ko at biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor.
"Doc. ok na po ba si Hannah?" Nag aalalang tanong ni Eloisa.
"Don't worry she's fine now" wika nito at lumapit sa akin.
"Ano bang kinain mo iha?" Tanong ng Doctor, napatingin ako kay Jazlene.
"Mga street foods po" sagot ni Jazlene.
"Kaya naman pala iha, your stomach is sensitive at hanggat maaari ay bawas bawasan mo ang pagkain na mga street foods" pagbibigay alam nito kaya tumango na ako. Pagkatango ko ay bumukas ang pinto at pumasok dito si Kuya Hans na naka office attire tsaka lumapit sa akin. Kagagaling niya siguro sa office.
"What happenes? Are you alright?" Nag aalalang tanong nito.
"I need to go" paalam ng doctor at lumabas na ito. Napatulala na lang sina Eloisa at Jazlene na nakatingin kay Kuya. Gulat na sila niyan sa kuya ko?
"Anong sabi ng Doctor?" Tanong ni Kuya Hans.
"My stomach is sensitive. I should avoid eating some street foods" sagot ko. Hindi na nakakapagtaka kong bakit kase since bata pa lang ako ay sensitive na ang stomach ko.
"Kailan ka pa natuto kumain ng mga street foods?" Tanong ni kuya nang biglang nagring ang phone niya kaya nagpaalam muna ito at lumabas para sagutin ang telepono.
"Ok lang ba kayo?" Tanong ko kina Jazlene.
"Kuya mo siya?" Tulalang tanong nito.
"Oo bakit?" Sagot ko at tanong pabalik.
"Ang gwapo niya girl!" kinikilig na wika nito at tumango lang si Eloisa. Biglang pumasok si kuya at napatulala na naman sila.
"Uhm Hannah mauna na kami" paalam nila Eloisa, tumango lang ako at lumabas na sila.
--*-*--Hope you like it guys!
Kuya Hans! 😚😚
Please vote and Comment ^_^
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Misterio / SuspensoA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...