Chapter 45 - Shame

2.7K 73 4
                                    


Hannah Point of view

Gosh naman bakit pa kase ako naglinis yan tuloy masama pakiramdam ko at nagkataon pang wala dito mga kapatid ko. Hindi ko alam kung anong gamot ang itatake ko dahil nasanay na kase akong sina Kuya ang nag aalaga sa akin kapag may sakit ako. I missed them.

"Take this medicine" Sabi niya na kararating  lang mula sa clinic.

Iniabot niya ang isang basong tubig at ang gamot ko.

"Don't just look at it!" Sambit niya dahil sa tinititigan ko lang iyon.

"Why are you doing this?" Mahinang tanong ko tsaka kinuha ang iniaabot niya.

Bakit niya pa to ginagawa? Hindi na nga kami pero sa ginagawa niya parang kami pa. At tsaka bakit siya nandito. Sana nga ay lumayo layo na ako sa kaniya.

Napaiwas ito ng tingin sa mga mata ko at umupo malapit sa akin at ibinalik ang tingin sakin at tumitig sa mga mata ko.

"Because I do still care for you" Sambit niya tsaka napaiwas ako ng tingin at ininom ang gamot.

Nararamdaman ko na mahal niya parin ako hanggang ngayon pero limitado nalang na magkasama kami.

Nang natapos kunang ininom ang gamot ay inilagay ko na ang baso sa isang mesa.

"You care for me 'cause I'm you're secretary" Sambit ko tsaka ngumiti ng pilit.

"Yes...not that you are my secretary. I care 'cause I still love you" Sambit niya na ikinangisi ko bigla.

"Love? That's the worst word that I heard from you" Sabi ko.

Ewan ko ba parang ayaw ko nang naririnig ang salitang yan. Magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na ang usapan.

"I never love you" Nabingi ata ako sa mga sinabi ko. Minahal ko siya, totoo yun tsaka walang halong biro yun pero ang mga sinabi ko ay walang katotohanan. Sinabi ko lang iyon dahil ayaw ko nang palalain pa ang sitwasyon namin ngayon.

Nagulat nalang ako nang may taong nakikinig pala sa amin at si Ate Jessamyn yun.

"Akala ko ba walang namamagitan sa inyo?" Tanong niya sa akin dahil sinabi ko sakanya noon na wala.

"Teacher Jess-"

"Alam niyo ba ang pinasukan niyo Hannah at Neithan?...A former secretary is having a relationship with a President... Lumabag kayo sa isang patakaran at ang kapurusahan non ay isa sa inyo ang mabubuhay at isa naman ang magpapaalam!" Galit na sabi niya sa amin.

"Don't worry, We do not love each other tha-" Sambit ni Neithan na nagpaulit ulit sa utak ko.

Totoo ba? Hindi niya ako mahal?

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon