Eloisa Point of viewAlam kong dapat ko ng sabihin sa kanya noon pa pero hindi ko yun ginawa kundi ipinangako ko nalang sa sarili ko na kahit anong mangyari proprotektahan ko si Hannah at si Jazlene. But now nagkakawatakwatak na kami. Hindi ko alam kung buhay pa si Jazlene pero nararamdaman kong nasa tabi ko lang siya at kinakampante niya ako palagi.
"Eloisa tulungan mo ako para maging parte ng gang" biglang sabi ni Hannah.
"Hannah delikado ang iniisip mong yan...Alam mo bang madami na ring namatay para lang sumali sa mga gang dahil kapag sumali ka ay kailangan mo munang harapin at kalabanin ang isang grupo ng mga gang"
"I don't care Eloisa, sa ganitong sitwasyon ay wala akong pagpipilian!"
Alam kong matapang at malakas si Hannah pero natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Hindi naman pwedeng magpapasok ako ng basta basta sa mga gang dahil lahat kami ay dumanas nito na muntik naming ikinamatay. To become a gang is not that easy. Kailangan mo munang isugal ang buhay mo para maging parte ka nila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano siya nakapasok sa Buenavista University ng ganun ganun lang. Once na nakaapak ka doon ay kailangan mong maging isang gang kung hindi mas pipiliin mo nalang na patayin ang sarili mo kesa sila ang papatay sayo. Hindi kaya nagkataon lang na walang nakakita sa kanya doon? Pero kahit kung ano payon ay hinahangaan ko ang tapang niya.
"Hannah alam kong hindi kita mapipigilan pero heto ang tandaan mo...magulo, madaya at marumi ang labanan na haharapin mo kapag natalo mo ang mga gang leader na nasa mababa lang. Pwede kang makapasok sa top ng gang at kilalanin ng lahat" payo ko.
Alam kong makakaya niya yun. Unang kita ko palang sa kaniya. I can feel na may kakaiba siyang kakayahan na itinatago.
"I will," nakangising sambit niya.
Wala kang kaba at ano man ang makikita mo sakanya ngayon.
"Hannah may experience ka na ba sa pakikipaglaban?" Tanong ko sakanya.
"Eloisa wala ka pang alam sa akin...Buong buhay ko since nong bata ako malapitin na ako sa gulo" Sambit niya.
"Bakit?"
"Marami kaming kalaban na naghahanap sa amin at gustong ipapatay. Inilayo kami ng Dad ko dito sa Pilipinas papunta sa ibang bansa upang itago pero nahahanap parin kami ng iba...Hindi ganun kadali ang buhay ko Eloisa at masasabi kong nasanay na ako sa gulo" sambit niya.
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Mystery / ThrillerA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...