Hannah Point of View
Wala akong maintindihan sa dinidiscuss ng guro namin sa harap dahil hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko kahapon . Nagpakamatay ba siya o kaya may pumatay sa kanya? impossible kayang si Nicky ang gumawa non?
Mas dumadami ang mga katanungan sa isipan ko pero hanggang ngayon ay wala parin akong makuhang sagot.
Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na dismissed na pala kami. Kaya naman dali dali kong kinuha ang bag ko at paalis na sana nang harangin ako ni Eloisa.
"Hannah tara sa Cafeteria?" yaya nito sa akin.
"Uhm mauna na kayo susunod nalang ako" sagot ko.
"Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang" sagot ko at lumabas na ng classroom namin.
Naglalakad lang ako ng dalhin ako ng aking mga paa sa Library at pumasok doon. Wala namang masyadong mga estudyante dito kaya naisipan ko na dito na muna ako. Pumunta ako sa book section at humanap ng libro na may kinalaman sa school na to.
"Hindi mo mahahanap ang kasagutan diyan" wika ng isang babae pero abala lang ako sa paghahanap ng libro.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko habang patuloy parin sa paghahanap."Buksan mo ang iyong mata at isipan. Doon mo mahahanap ang kasagutan sa mga tanong mo" pahayag nito na nagpatigil sa ginagawa ko.
"Sino ka ba?!" Tanong ko at lumingon sa likod ko pero wala namang tao.
"Keep silence please" mataray na paalala ng librarian sa akin.
"Opo Ma'am, Sorry po"
Sino yung kausap ko kanina? Bakit nawala bigla?
Linibot ko ang aking paningin sa buong room at nakita ko lang ang mga estudyante na nandito na busy sa pagbabasa ng mga libro. Impossible namang multo yon. Hindi naman totoo ang mga multo.
Habang napapaisip ay lumabas na lang ako sa Library at naupo sa isang nadaanang bench katabi ng isang malaking puno.
"Sige lang Hannah pairalin mo pa ang kuryosidad mo" bulong ng kung sino mang malapit sa akin. Lumingon ako sa puno pero wala namang tao na siyang biglang pagtaas ng mga balahibo ko at maliban don ay lumakas rin ang pintig ng puso ko kasabay ng paglakas ng ihip ng hangin.
"Hannah" sigaw ni Eloisa na palapit sa akin kasama si Jaz na tahimik lang. "Bakit ka andiyan?!" tanong nito at hinila ako.
"May problema ba?" Tanong ko habang nakatingin sa puno.
"Tirahan ng multo diyan kaya lumayo na tayo dito" pangungumbinsi nito na nag palakas ulit sa ihip ng hangin.
Pinagmasdan ko ulit ang puno habang palayo na kami duon. Di kaya multo yung bumubulong sa akin kanina? Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Eloisa walang multo ok! huwag kang OA!" pagtutol ni Jazlene kay Eloisa na naka cross arms pa.
"Anong wal---" Natigilan si Eloisa ng biglang natumba ang basurahan kaya nagkatinginan kaming tatlo at napatili si Jaz at nauna pang tumakbo. Akala ko ba hindi takot ang babaeng iyon e nauna pa siya sa kesa sa amin. Tsk
Medyo malayo layo narin kami doon nang maupo kami sa bench malapit sa mga estudyanteng nag uusap usap.
"Hannah eto o" abot ni Jaz ng isang supot na may lamang pagkain at inumin.
BINABASA MO ANG
Lethal Game: To Kill or Die
Misterio / SuspensoA place for peace is nowhere. Invasion of war is getting more and more deeper to danger. Lot has been killed and lost their mind. A darkness cause to War. Words are poisining. Secret lead to hallucination. BLOOD IS THE KEY TO BE SAFE! WELCOME. *** ...