Chapter 57 - The Celebration

2.3K 69 16
                                    


Hannah Point of view

Umalis ako sa dorm ng mga officers at pansamantalang dito muna ako kina Jazlene at Eloisa. Ayokong makita si Neithan at lalong lalo na yung letche na Kassandra na yun. At para din naman makahinga ako ng malalim at makapagmove on.

Napatitig ako sa malaking salamin dito sa banyo at nakabathrobe lang ako. Naalala ko lang ang mga nangyari kahapon about kay Neithan at Kassandra. Bakit ginawa nila yun sa akin?! Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa isang salamin.

Pilitin ko man na itago ang kalungkutan mula sa muka ko pero ang luha ko ay hindi ko kayang pigilan. Sa bawat patak ng luha ko ay naaala ko lahat ng aming pinagsamahan.

Biglang na vibrate yung phone ko at agad na tinignan kung sino yun. Kinuha ko yun.

One message, binuksan ko kung sino yun pero wala sa contact ko ang number na yun. Siguro wrong send lang pero pagkabasa ko yun...parang tinamaam ako ng kidlat sa loob dahil sa pangbabanta ng sender sa buhay ko at kasama na rin ang mga kaibigan ko. Agad kung pinunasan ang mga luha ko pero may sumunod na mensahe ito.

Dahil sa sinend sakin ng mysteryosong tao na to ay agad akong nagpalit ng damit at lumabas ng dorm...Alam kung mapanganib pero hindi ako makakampante.

Inilibot ko ang tingin sa paligid nang may nakita akong isang anino ng tao kaya sinundan ko iyon pero may humarang sa dinadaanan ko kaya napasigaw ako sa gulat.

"This is the gown that you will use for tonight, our queen" sabi ng kung sino at nagbow pa.

Anak ng teteng naman oh, ang lakas mangulat ng nilalang na to. Kulang nalang maatake ako sa puso, saan bang planeta ang pinagmulan mo huh? hindi ba pwedeng huminahon lang siya...hindi ko tuloy nasundan yung mysteryosong tao na yun.

"Hello?" Sabay kaway ng kamay malapit sa mata ko.

"Pakilagay nalang sa dorm!" Sigaw ko kaya siya naman ang nagulat.

"Saan po ba Queen?"

Parang tanga lang ang peg nito, hindi ba dapat alam na nila lahat yan!

"Hanapin mo!" I murmured tsaka umalis para sundan ang aninong yun.

Hanggang sa napadpad ako sa isang naturing na hallway papunta sa clinic room. Napahinto ako dahil may natapakan akong isang dagger na puno ng dugo kaya kinabahan.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pinagmasdan ang paligid ko. May napansin akong isang tali dito pero dahil madilim ay hindi ko masyadong malaman kung anong meron dito sa tali na ito.

"Sh!t!!" Napatakip ako ng bibig dahil biglamg may umilaw at ang inilawan nito ay ang isang bangkay ng isang estudyante dito.

Napaatras ako nang biglang may sumunggab sakin at sinakal ako ng husto. Sinipa ko ang sikmura niya at napasandal siya sa pader. Kinuha ko ang baril ko at itinutok sa kanya.

"Sino ka!" Sambit ko at binabawi ang hininga.

Nakamaskara siya ng puti at isang babae ang nakatago nito.

"Kailangan mo nang mamatay ngayon!"

Bago pa niya isaksak ang dagger sakin pinaputukan ko siya ng baril sa kamay nito dahilan ng pagbitaw niya rito.

"Bakit mo to ginagawa? sino ang may kapakanan nito!! Ikaw ba?" Sigaw ko.

Bigla siyang napaluhod sa harap ko at nakita na ang muka niya, isa siya sa naging alalay ko at nagbanta sakin noon. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak at nagmakaawa.

Lethal Game: To Kill or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon