Isang bata ang abala sa pag-aayos ng sa mga nakaparadang sasakyan sa isang minimall sa lugar nila. "Dito dito!!" Sigaw ng isang batang lalaki upang malaman ng kotse kung saan siya pupunta. Sumilip ang isang Ginang sa bintana ng kotse.
"Bata!" Tinawag niya ang bata. "Eto nga pla ang bayad ko." At ini-abot ng Ginang ang bente pesos na bayad niya sa bata. "Ano ba ang pangalan mo?"
"Ako po si Talim."
"Talim? Kakaiba ang pangalan mo ah. Babalik ako diyan bukas. Mag usap tayo Talim ah." Sabi lang ng Ginang at pinaandar na niya ang kotse. Naiwan ang batang nakatingin lang sa papalayong sasakyan ng Ginang.
-
"Ate bakit mo kakausapin pa ang paslit na 'yon?" Tanong ng kapatid ng Ginang na kasama niya sa umaandar na kotse.
"Balak ko siyang ampunin."
"Ano?! Ate, hindi ka naman baog ah at alam akong balang araw ay magkakaanak na kayo ni Kuya Bobby."
"Alam ko, matagal ko nang gustong kausapin ang batang 'yun."
"Magagalit ang asawa mo Ate! Tingin ko naman ayaw din niyang gawin mo 'yan."
"Pwede ba, Alma! 'Wag kang makialam. Walang makakapigil sa gusto ko."
"What for Ate?"
"Natutuwa lang ako, masama ba?"
"Naku, siguradong magagalit si Kuya Bobby nito."
"Ako ang magpapasya sa sarili ko! Gusto ko bang makasal kay Bobby? Sinunod ko lang ang Papa pero labag 'yun sa kagustuhan ko."
"Bahala ka, Ate buhay mo 'yan. But if I were you, 'wag mo na ituloy dahil gulo 'yan."
"Huwag kang mag alala." Sagot nito at hindi na nagsalita pa si Alma.
Si Talim ay pagala-gala lang sa lansangan maghapon. Namatay ang magulang niya kaya inampon siya ng isang babaeng kaibigan pero dahil sa hirap din ang umampon sa kanya ay mas madalas siyang napapabayaan sa kalye. At dahil na rin sa gutom kaya sa mura niyang edad ay natuto siyang mag hana buhay sa parking area sa isang minimall. Kahit walang magagarang damit ay maayos naman manamit itong si Talim. Kumikita siya ng 200 kada isang araw ngunit hindi niya nagagawa ang mga ginagawa ng pangkaraniwang bata. Sa edad nyang pitong taon ay nagtatrabaho na siya. Umuwi na si Talim ng gabing 'yun. Nahiga siya sa matigas na sahig sa napakaliit na bahay na tinitirhan niya. Iniisip niya ang Ginang na madalas niyang makita. Sa wakas ay kinausap siya nito. Dumating ang babae na may ari ng maliit na bahay at may inabot siyang limampung piso. Alam kasi ng umampon sa kaniya na kumilita na siya kaya humihingi ito ng pera araw araw. Magalang na bata si Talim kaya nakuha niya ang atensyon ni Alice. Ang pangalan ng babae na gustong umampon sa kaniya.
Kinabukasan ay may isang babae na nagpasakay kay Talim sa kotse. "Bata bata! Halika saglit, sumakay ka." Utos sa kaniya. Walang nagawa si Talim kundi sumakay sa kotse. Mukha naman kasing mabait ang babae. Pagpasok niya sa kotse ay nakita nya ang babaeng gustong kumausap sa kaniya.
"Ako nga pala si Alice, kamusta ka Talim?" Hindi alam ni Talim ang isasagot niya kaya isa lang ang kaniyang sinagot..
"Mabuti po." Ngumiti sa kaniya si Alice at tinanong ng kung ano ano pa. Nalaman ni Alice na halos wala nang nag aalaga dito. Isinama ni Alice si Talim sa kanilang mansyon. Siyempre alam na niya ang reaksyon ng karamihan at nadismaya sa kanya dahil sa plano niyang ginawa.
"Hinding hindi ko matatanggap ang batang 'yan dito sa bahay na 'to!" Sabi ni Donya Victoria ang Ina ni Alice.
"Mama, ako ang mag aalaga kay Talim at hindi ako aasa sa inyo."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.