Magkaharap parin si Talim at si Lyka. Aalis na sana si Lyka pero biglang naalala ni Talim si Rowena. "Ms. Lyka, pwedeng makahingi ng calling card mo?" Yan ang nasabi ni Talim.
"Sure! But para saan naman?" Kinutuban na si Lyka dahil hinihintay naman talaga niyang kunin ni Talim ang numero niya.
"Para may contact lang. Baka pwede kaming magdeliver ng fresh goods dito. Malay natin."
Nag-isip saglit si Lyka. "Oo nga, gusto niyo bang magdeliver dito ng Meats and Vegetables?"
"Maganda ang kalidad ng mga pagkain sa Farm."
"Where's your phone? Idadial ko number ko, wala akong dalang calling card."
Nataranta bigla si Talim at kinuha ang telepono ni Ismael. "Dito mo idial, hindi ko dala ang phone ko." Pero nasabulsa niya talaga ang telepono niya. Hindi pwedeng makita ni Lyka dahil mamahalin ito, baka magtaka.
-
Nagpunta si Rowena sa Farm. Isinama niya si Tadeth na apo niya at anak ni Talim kay Bernadeth. Nabunyag ni Rowena na si Talim ang Ama nito dahil kung susuriing maigi ay mata ni Talim ang ginagamit na mata ni Tadeth. Kaya pilit niyang pinaamin si Bernadeth kaya umamin naman ito. Hiniling ni Bernadeth na isikreto nalang dahil alam din naman ni Angelo kung sino ang talagang Ama ni Tadeth. "Tita! Naparito ka?" Tanong ni Talim sabay napansin ang batang kasama nito kaya nilaro lang niya saglit. Kamukha ni Bernadeth ang bata kaya alam ni Talim na Apo ito ni Rowena.
"Ipapakilala ko sa'yo ang Anak mong si Tadeth." Nabigla si Talim at tumigil sandali sa ginagawa niyang paglalaro sa bata.
"Anak ko?!"
"Oo Talim, hindi na sinabi sa'yo ni Bernadeth dahil hindi umatras sa kasunduan si Angelo nang ipaalam niya ito. Siguro natatakot siya sa'kin."
"Alam ni Angelo?!"
"Oo! Tanggap niya si Tadeth."
"Talaga Tita?" Kinarga ni Talim si Tadeth.
Tinawagan niya ang Uncle niya. "Uncle, busy ka? Pumunta ka sa bahay saglit dahil magugulat ka sa ibabalita ko sa'yo."
Maya maya lang ay karga na ni Luis ang bata. "Kamukha siya ni Carlie." Natutuwang sabi ni Luis.
"Sino naman si Carlie?" Nagtaka si Rowena.
"Anak din siya ni Talim." Sagot ni Luis pero nakatingin lang kay Tadeth habang karga niya ito.
"Kanino? Nasa'n ang asawa ni Talim?"
"Hiwalay na sila." Wala siyang balak sabihin kay Rowena na kasamabahay ang naging asawa ni Talim.
"Hindi ko gets Talim, sa gwapo mong 'yan may umiiwan sa 'yong babae o ikaw ang nang-iwan?"
"Hindi ko iniwan Tita. Nagkahiwalay kami."
"Bakit? Ang tanga naman ng babae na 'yon!"
"Sino ba ang tanga dito? Marami kang pagkukulang Rowena kaya naghiwalay si Talim at Madeth. Hindi sana masasawi ang anak ko kung hindi dahil sa'yo."
"Luis! Nagpunta ako dito para humingi ng pasensya sa nagawa ko, sinama ko na rin ang bata dahil para may alam si Talim na Anak niya si Tadeth. Hindi katulad mong babaero."
"Bawiin mo ang sinabi mo! Wala akong naging babae mula nung.." Naghintay sila ng isasagot ni Luis. "Nevermind."
"Sinungaling ka! Akin na nga si Tadeth, baka mahawa pa siya sa kasinungalingan mo!"
Nagtaka si Talim sa inaasta ng dalawa pagkat nag aaway sila sa walang kwentang bagay. Binigay ni Luis ang bata. "Uncle, may girlfriend ka nga pala 'diba? Bakit hindi mo sinabi?"
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.