5. Isang Ala-ala

910 34 5
                                    

"Ayaw mo lang akong kasama eh." Reklamo ni Paulo sa naglalakad na si Lyka. Hindi siya pinansin ni Lyka at nagpatuloy ito sa paglalakad. Alam niya na susundan siya nito. Nagsimula nang magtinda si Lyka. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya kailangang alukin ang mga mamimili pero nagulat siya sa ginawa ni Paulo. "Ate bili na po kayo! Bagong gawa na puto."

"Hindi na kailangan." Awat ni Lyka.

"Para maubos na yan at makauwi ka na. Pero bago ka umuwi, kakain muna tayo, samahan mo 'ko."

"Paulo, nakakahiya. Kusa na 'tong mauubos, 'wag ang mag alala." Nagpatuloy lang sa pagtitinda si Lyka at napansin nya na biglang nawala si Paulo.

Pero dumating ito na may dala-dala na dalawang softdrinks iniiabot sa kanya ang isa. "Paulo hindi mo kailangang gawin yan." Nilagay ni Paulo ang softdrinks sa tabi ni Lyka. Mukang nagamay na ni Paulo ang ugali niya kaya baliwala sa kanya lahat ng sabihin nito. Dahil ayaw naman ni Lyka na sumama ang loob ni Paulo ay ininom nya ang softdrinks. Maya maya lang ay dumagsa ang mamimili. Ubos ang tinda ni Lyka.

"Samahan mo 'ko bago ka umuwi." Hiling ni Paulo.

"Saan naman?"

"Diyan lang." Kinuha ni Paulo ang bilao at sinauli nya sa may ari. Naglalakad lang sila at naiinis na si Lyka pagkat gusto na niyang umuwi. Dalawang oras silang nagpagala-gala.

"Uuwi na ko." Hiling muli ni Lyka.

"Sige pero ihahatid kita."

"Tatakbo ako baka maiiwan ka lang." Pero seryoso uli si Paulo na sundan siya. Napapikit si Lyka. "Sige, samahan mo uli ako bukas. Salamat na din sa tulong mo."

"Salamat Lyka, pero aalamin ko ang bahay niyo."

"Maliit lang ang bahay namin. 'Wag na!"

"Kahit na, gusto kasi kitang sunduin bukas."

"Sabi ko naman 'diba? Magkita tayo bukas at payag na 'kong samahan mo akong magtinda."

"Basta hahabulin kita pag tumakbo ka."

Nakukulitan na talaga si Lyka sa kaniya. Nasa bukirin na sila at kailangan na niyang maghubad ng tsinelas. Hinubad na niya ito.

"Lyka bakit naghuhubad ka pa ng tsinelas mo?"

"Para hindi agad masira."

"Takbo ka kasi ng takbo samantalang pwede namang maglakad."

"Sabi ko nga sa'yo 'diba? Malayo ang bahay namin."

"Ga'no kalayo?"

"Paulo iwan mo na ako." Pero ayaw umalis ni Paulo. Wala syang nagawa kundi iwan ito. Ganun na naman ang nangyari, hinabol na naman siya nito.

"Mag sasanay ako tumakbo para sa susunod maabutan kita!!" Sigaw ni Paulo at tumigil na ito sa pag takbo. Medyo nalungkot si Lyka sa tagpong yon pagkat naulit na naman ang nangyari. Habang tumatakbo si Lyka ay hindi nya maiwasang mag isip tungkol kay Paulo. Hindi kasi katulad si Paulo ng mga batang nakakasalamuha niya.

Kinabukasan ay ganun na naman ang nangyari. Kausap ni Lyka ang babae na bumibili at sumusingit sa usapan si Paulo para tulungan siyang mag tinda.. "Paulo! Ako na bahala, maupo ka na dyan baka lalong walang bumili eh." Sabi ni Lyka. Pero iba ang sinabi ni Paulo.

"Bibilhin ko na lahat yan at iuuwi ko sa'min."

"Bakit, marami bang tao sa inyo?"

"Si Tito at Lola lang."

"Sigurado ka na kumakain sila nito?"

"Pag ayaw nila, ako na lang. Pag naubos yan, isasama kita sa amin."

"Naku, Paulo ayoko, nakakahiya."

"Sige na, saglit lang naman eh." Hindi napilit ni Paulo na sumama si Lyka kaya pag uwi ay sinabi na lang ni Lyka na magtitinda siya ng gulay at payag siyang samahan ni Paulo. Ngunit ganun na naman ang nangyari. Napagod na naman si Paulo. Pero napapansin niya na medyo lumalayo na ang naratating nito sa pag takbo. Dahil siguro sa araw araw silang tumatakbo.

Isang araw na naman ang lumipas. Nakita niya si Paulo na may dalang bisikleta. "Para saan yan?" Tanong niya.

"Para masundan kita."

"Malayong malayo ang bahay namin kaya maabutan mo man ako, mapapagod ka sa pag uwi bahala ka." Hindi siya pinansin ni Paulo. Sinusundan siya nito habang nag lalakad. "Paulo, 'wag ka nang sumunod."

"Sige na tumakbo ka na." Nawalan na siya ng pag asa na makukumbinsi niya ito na umuwi kaya tumakbo siya. Lubak ang daan kaya siya parin ang nauuna sa pagtakbo. Habang natakbo siya ay nililingon niya si Paulo. "Napaka layo na nang tinatakbo nya pero wala parin akong nakikita na bahay." Dalawangpung minuto na silang tumatakbo nang napansin ni Lyka si Paulo na nasemplang ito. Lumapit siya para tulungan si Paulo. "Lyka, araw araw ba ganyan kalayo ang tinatakbo mo?"

"Oo, sabi ko nga 'diba? Malayong malayo ang bahay namin." Naawa si Paulo kay Lyka pero wala naman siyang magawa.

"Sige uuwi na ko Lyka, hayaan mo ibibili kita ng tsinelas na pang takbo."

"May reserba pa ako sa bahay. Sige na at bukas 'wag mo na ko susundan ah."

"Lyka, hindi ka ba nahihirapan?"

"Hindi dahil pitong taon pa lang ako ay tumatakbo na 'ko."

"Ganun ba? Mukhang ngang sanay ka na tumakbo." Tumakbo na siya at iniwan na nya si Paulo. Hinintay lang ni Paulo na mawala sa paningin niya si Lyka at umalis na din siya. "Kawawa naman pala si Lyka, ang layo ng tinatakbo niya sa araw araw. Ibang iba siya sa lahat ng nakilala ko. Hayaan mo Lyka balang araw tutulungan kita." Sabi ni Paulo habang pinapaandar ang bisikleta pauwi.

Kinabukasan, habang nagtitinda si Lyka kasama si Paulo ay umulan ng malakas. Hindi agad makauwi si Paulo pagkat umuulan pero nang naubos ang paninda niya ay sumugod siya sa ulan para umuwi na. "Paulo, mababasa ka!" Pero makulit si Paulo. Nabasa na din si Paulo dahil hinabol siya nito. "Paulo, bakit naligo ka?"

"Ihahatid kita kahit sa malapit lang."

"Baka magkasakit ka pa." Pero sumunod talaga si Paulo hangang sa bukid. "Sige na Paulo iwan mo na 'ko."

"Susundan kita hangat kaya ko." Sa pagkakataong ito ay habang umuulan ay payakap na inawat niya si Paulo para huwag nang sumunod sa kanya.

"Paulo wag ka nang sumunod!!" Iniwan na niya ito at hindi na 'to sumunod.

Nakauwi si Lyka sa kubo nila nang halos matuyo na sa ulan. Naikwento niya sa nanay niya ang ilang pangyayari sa mga nagdaang araw.

"Minsan lang magkaroon ng isang mabait ba kaibigan anak." Payo ng ina niya sa kaniya. "Pumayag ka nang makausap siya ng maayos. Nagbabakasyon lang naman siya dito."

"Sige po nay." Naalala niya ang itsura ni Paulo habang basa ito ng ulan.

-

"May dala akong gamot." Sabi ng boses na sumulpot sa tabi ni Lyka. Ipinatong nito ang gamot sa bilao. Hindi nagsasalita si Lyka. "Okay ka lang ba, Lyka? Baka magkasakit ka."

"Ikaw ang inaalala ko. Sanay na ang katawan ko pero ikaw baka hindi."

"Nag-aalala ka sa'kin?"

"Bakit hindi? Wala ka namang kasalanan sa'kin." Ngumiti si Paulo sa sinagot sa kaniya ni Lyka.

Araw araw na silang magkasama hangang dumating ang araw ng Pasko. Hinihintay siya ni Paulo pero hindi siya dumating. Kinaugalian na kasi ni Lyka na hindi lumabas tuwing pasko para makasama ang Nanay niya. Kahit konti lang ang pagkain ay masaya naman siya basta basta magkasama sila. Pag lampas ng Pasko ay binigyan ni Paulo ng maraming pagkain si Lyka. "Napakarami naman nito Paulo?!"

"Iuwi mo sa inyo 'yan. Hindi ka nagpakita sa'kin kahapon eh." Ngumiti lang si Lyka. Nasanay na si Lyka kay Paulo. Masaya siyang nakakasama niya ito. Hindi katulad dati na naiirita siya. Pero bigla na lang hindi nagpakita si Paulo pagdating ng bagong taon. Nakatingin si Lyka sa taas at manghang mangha siya sa nagliliparang fire works. Nililipad ang maiksi niyang palda at lumilitaw ang malalaki niyang hita na nasanay na sa pagtakbo. Katawan ng isang babaeng atleta. Dumating ang pasukan at mabilis na nag bakasyon sa tag init. Hinahanap ng mga mata niya araw araw si Paulo, talagang naaalala niya ang madalas na pangungulit nito sa kanya. Naisip niya na si Paulo ay isa nalang ala-ala.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon