Prologue

1.9K 62 4
                                    

"Engineer Reymundo." Dinig ni Daniel na tawag ng isang tauhan sa isang construction site. Nasa loob siya ng barracks. Lumabas siya para tignan kung sino 'yung naghahanap sa kaniya. Nakita niya ang isang babae na halatang pulube.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong niya.

"Andito po ang kasama kong dalaga. Baka gusto mo siya? Kailangan lang po namin ng pera." Pahayag ng babaeng kaharap niya. Alam na ni Daniel ang ibig nitong sabihin.

"Pasensya na pero hindi ako pumapatol sa bayarang babae. Marami pa namang iba diyan."

"Ikaw po ang napili ko para sa kasama ko. Bata pa po kasi siya at maganda. Hindi nila maibigay ang presyong hinihingi namin."

"Pasensya na po talaga. Atsaka kawawa naman ang dalaga na 'yun. Nasaan ba siya?" Tinawag ng babae ang kasama niya at nakita ito ni Daniel. Gulat na gulat siya pagkat napakaganda nitong dalaga.

Kinalabit ni Daniel ang babae at tinanong. "Ilang taon na 'yan?"

"Disiotso na 'yan."

"Sige, iwan mo na kami." Balak sanang bigyan na lang ni Daniel ng pera ang sinasabing dalaga pero nagbago ang isip niya dahil sa nakita.

Naiwan ang dalagita at pinapasok niya sa loob. "Ano ang pangalan mo?" Agad na tanong ni Daniel.

"Elsa po!" Sagot ng Dalaga pero hindi siya makatingin kay Daniel ng diretso.

"Baguhan ka lang ba sa trabahong ito?"

"Ano po ba ang gusto niyo?"

"Sagutin mo ang tanong ko."

"Baka kasi umayaw ka, tatapatin na kita Ginoo. Unang beses pa lang ito."

"Nasaan ang mga magulang mo?" At ilang tanong pa ang binigay ni Daniel at nagsiping na sila. "Simula ngayon 'wag kang maghahanap ng ibang lalaki ah. Ako ang bahala sa'yo." Sabi niya kay Elsa.

"Kung 'yan ang gusto mo, walang problema." Tinuring ni Daniel si Elsa na isang kasintahan, si Elsa kasi ay isang pulube sa lugar kung saan sila gumagawa ng bagong gusali. Dahil natuwa naman siya kay Elsa ay binigyan niya ito matitirhan.

Isang araw ay sinama niya si Elsa sa isang apartment na inuupahan niya. Magkayakap sila sa kama. "Talim!" Bulong ni Elsa sa kaniya.

"Bakit Elsa?"

"Gusto ko sanang Talim ang ipangalan kung sakaling magka-anak tayo."

"Hindi tayo pwedeng magka-anak. Alam mo naman na may asawa na ako 'diba?"

"Pero hindi imposible, Talim."

"So very weird, bakit naman Talim pa? Marami namang pwedeng itawag sa kaniya."

"Dahil sa'yo, siguradong magiging kamukha mo siya."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon