Dinayo ni Talim ang bayan at muli na naman siyang nakipag laban. Ang nakalaban niya ay si George na 28 anyos na tigasin sa bayan. Marami na itong naipanalo na laban dahil sa laki ng katawan nito. Dinayo ng mga tao ang laban nila para masaksihan lang ito.
Unang beses na lalaban si Talim sa bayan dahil mga dumadayo lang ang nakakalaban niya madalas. Si George ay mas maliit ng konti kay Talim pero mas malaki ang katawan nito.
Suntukan at sipaan ang laban. Wala pang napupuruhan pero lumalamang si Talim sa palitan ng suntok. Ginagamit niya ang bilis niya. Nanonood si Edmond ng laban ng mga oras na yun kaya hindi niya maiwasang humanga kay Talim pagkat kilala niya na malakas si George. Si Edmond ang unang tumalo kay Talim noon.
Isa na lang ang pag asa ni George sa laban. Hinabol niya si Talim at ibinagsak sa lupa para siya ang nasa ibabaw. Sa ganung paraan ay makalamang siya. Pero hindi niya matamaan si Talim dahil hawak ni Talim ang ulo niya at inangat sa taas. Ginamit ni Talim ang mahaba niyang kamay. Hindi niya makita si Talim kaya napatayo niya si George.
Tumayo sila pareho. Suntukan na lang ang naging laban nila. Suntukan ng suntukan, panay ang salag ni Talim sa mga suntok ni George. Hindi nagtagal ay pumutok na pala ang kilay ni George dahil matutulis na suntok ang binibigay ni Talim. Maya maya lang ay pati ang nguso ni George ay putok na, dahilan para bumagal at humina siya. Doon na nakakuha ng pagkakataon si Talim na suntukin sa tagiliran si George dahil sa mukha na ito dumidepensa. Namilipit sa sakit sa George nang tamaan ng isang malakas na bigwas sa tagiliran kaya inawat na ang laban dahil nakita ng taga-awat na uundayan ni Talim ng suntok si George.
Sigawan ang mga tao sa paligid. Nakita ni Talim si Edmond na nanonood. "Maghanda ka na Edmond."
"Bakit Talim?"
"Because, you will be my next opponent." Nakatitig siya kay Edmond.
"Talim hindi kita lalabanan."
"Natatakot ka Edmond?" Dismayadong tumawa si Edmond.
"Hindi naman sa natatakot ako Talim, sayang lang ang ipupusta namin pag nilabanan kita. Tinalo mo ang taong tumalo sa'kin kaya baka hindi pumusta ang mga tao. Hindi magiging maganda ang laban." Medyo nadismaya si Talim kaya iba na lang ang hinamon niya.
Tumingin siya sa paligid. "KUNG AYAW MO SI BORGA NA LANG!!" Malakas ang pagkakasabi ni Talim. Nagtinginan ang mga tao sa kanya. Muli siyang nagsalita. "Ipaalam niyo yan kay Borga, paki sabi hinahamon ko sya sa darating na kapistahan dito sa bayan."
Naglakad na papalayo si Talim habang nakasampay sa balikat niya ang polo na suot niya kanina lang. Maraming nagulat sa sinabi ni Talim dahil walang lumalaban kay Borga, puro dayo ang humahamon dito. Hinamon na siya noon ni Borga kaya alam niyang hindi siya bibiguin nito.
Maya maya ay may tumawag sa pangalan nya. "Talim!" Boses lalaki sa likuran niya. Humarap siya at nakita niya si George.
"Bakit George?"
"Alam kong gusto mo ang lumalaban sa ilalim, pero binabalaan kita Talim, kung si Borga ang gusto mong kalaban ay 'wag kang iilalim sa kaniya dahil pag nangyari yun ay tapos ka."
"Salamat sa paalala George." Sabi ni Talim at tinapik niya ang balikat ni George at umalis na.
Gabi na siya umuwi at nakita niya buhat sa likuran ng bahay ay tumutunog ang tubig na tila may naliligo. Sa likod kasi siya malimit dumaan pag gabi dahil sarado na ang pinto sa harapan. Nakita niya si Ponyang na nakatayong naliligo ng hubo't hubad. Naramdaman ni Ponyang na paparating na si Talim pero imbes takpan ang katawan ay tinitigan niya pa ito. Kung makatingin si Ponyang ay parang may suot siyang damit, pero nakahubad siya. Tumingin lang si Talim kay Ponyang saglit at umalis na. Hindi siya nadismaya sa ginawa ni Ponyang. Inisip niya na binigyan siya ni Ponyang ng aliw sa saglit na segundo na yun. Noon ay madalas madismaya si Talim sa mga nang aakit sa kaniya nung sila pa ni Bernadeth pero ngayon ay panahon na para bigyan niya ng pansin ang ibang babae.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.