39. Ang Lahi Ni Talim

616 25 7
                                    

Naglalakad si Luis ng masalubong siya ni Talim sa balkonahe sa ibaba. Nakita ni Talim ang magandang babae na kasama nito. Mukhang bata pa gaya ni Tita Rowena niya.

"Talim, meet your Aunty Jean?" Nakuha na ni Talim agad kung sino ang babae na kaharap niya na kasama ni Luis.

"Hello Aunty, just call me Talim." Nagkamay sila. "So, Uncle, siya pala yung sinasabi mo na galing sa China?" Tanong ni Talim na tila hindi siya sigurado.

Biglang tingin ni Jean kay Luis dahil sa sinabi ni Talim. "No Talim, She's been in Korea." Sagot ni Luis.

"Oo nga pala, sorry!" Napahawak si Talim sa noo niya.

"Luis, baka iba pa 'yung taga China na 'yon ah." Sabi naman ni Jean.

"Hindi Aunty, nagkamali lang talaga ako?"

"It's okay."

"Tama! Baka iba pa 'yung taga China." Hindi nila napansin ang pagdating ni Rowena kasama si Tadeth galing kabilang mansyon.

"Rowena, andiyan ka pala. Pakarga nga kay Tadeth." Kinuha ni Luis si Tadeth.

Binigay naman ni Rowena si Tadeth kay Luis nang nakasimangot.

"Tita Rowena, aalis na kayo?" Tanong ni Talim.

"Oo, malas nga lang at may nadatnan akong hindi maganda sa paningin."

Nagtaas ng kilay si Jean. "Sino siya Luis?"

Si Talim na ang sumagot. "Aunty, siya si Tita Rowena na taga diyan sa kabilang Mansyon."

"Maka sino siya, akala mo kung sino!" Bulong ni Rowena pero rinig nang lahat.

"Rowena! Kung aalis ka, umalis ka na!" Napikon si Luis.

"Talaga!" Aalis na ito.

"Mawalang galang na Rowena, bakit parang ang pangit ng araw mo ngayon?" Tanong ni Jean kaya napatigil si Rowena.

"Hindi pangit ang araw ko, sadyang pumangit lang." Sagot nito ng pataray.

"Rowena ano ka ba?! Umalis ka na nga!" Galit na si Luis.

"Ano ba ang problema niya Luis?" Tinalikuran sila ni Jean.

"Wala! Ikaw may problema ba? Girlfriend ako ni Luis." Si Rowena na ang sumagot. Kinagulat ni Jean ang sinabi ni Rowena.

Gumitna agad si Talim dahil sa tensyon na nagaganap. "Rowena, hindi kita girlfriend. Wala tayong relasyon." Agaw agad ni Luis.

"Ano ba Luis? Dinala mo ba ako dito para awayin lang ng babae na halatang may gusto sa'yo?!" Sabi ni Jean sa mataas na boses.

Tinakpan bigla ni Talim ang bibig ni Rowena para hindi na ito magsalita, pwersahan niyang dinala sa kotseng nakaparada. "Tama na Tita Rowena! Pasensya na sa ginawa ko pero mas maiging palampasin na lang para wala nang away."

"Bitawan mo ako Talim! Hindi pa kami tapos."

"Nakikita ni Tadeth ang ginagawa mo!" Huminahon na si Rowena at sumakay sa kotse. Pag-alis ni Rowena ay inamin naman nila kay Jean na si Rowena ang datint asawa ni Luis.

"Ex na pala eh. Bakit umaarte pa siya ng ganun?" Pataray ni Jean.

"Aunty, pasensya na." Hindi na magsalita si Jean at umalis. Nabigla si Talim sa kinilos ni Jean.

Sama sama silang naghapunan kasama si Tadeth. Nakakalong lang si Tadeth kay Talim at wala silang kibuan lahat. Hindi tinitignan ni Jean si Talim kaya hindi nagustuhan ni Talim ang mga kinikilos nito. Panay ang layo at ayaw siyang kausapin. Kinausap ni Talim si Luis. "Uncle, hindi ko gusto ang ugali ng girfriend mo, parang may tinatago."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon