25. Ang Pagseselos

614 25 4
                                    

Ang nagpakilalang Danni ay si Sandra. Kaya siya napadpad sa Pangasinan ay dahil pinilit siyang magbakasyon ng ina niya. May kasalanan kasi siyang ginawa. Nahuli siya ng Ate niya na may lalaki siyang tinatago sa ilalim ng mismong kama niya.

"Shiela, my Mom gave me punishment." Sabi ni Sandra sa kaibigan niya habang kausap ito sa telepono.

"Punishment?! What punishment is? Ano na naman ginawa mo?"

"Pinatapon ako ng Mommy ko dito sa Pangasinan."

"What?!" Gulat ang reaksyon ni Shiela ang bestfriend ni Sandra.

Ngayon ay mag-isang nakaupo si Sandra sa loob ng bahay at hawak ang telepono. "Sandra hindi ka ba mag gagala gala para makita mo ang ganda ng Pangasinan?" Sabi ng Tiyahin niya.

"Tinatamad ako ngayon, maybe on the other day na lang." Sagot nito.

'Wala akong balak na makita at sauluhin ang mga lugar dito.' Sabi lang niya sa isip niya dahil naiinis siya sa nangyari.

Lumipas ang ilang araw.

"Maki barkada ka sa labas para hindi ka mainip." Suhestyon ng Tiyahin niya. Hindi niya parin ito sinunod.

Isang buwan ang lumipas at sobrang inip na talaga siya. Isang beses na bibili siya ng sigarilyo sa tindahan. Napansin niya ang palagi niyang nakikita Linggo Linggo. Ang pagkukumpulan ng tao at sigawan. Nilapitan niya ito at nakita niya ang dalawang lalaki na nagsusuntukan sa gitna.

"Wow, interesting to, manonood muna ako."

Maya maya lang ay nanalo ang isa. Napansin niya ang isang lalaki na nanonood ng laban. Nakasalamin ito at matangkad.

Kinausap ito ng isa. "Borga, galingan mo sa araw ng kapistahan ah." Sabi ng isang lalaki.

"Sigurado naman na bagsak uli ang makakalaban niya." Sabi ng isa pa.

"Siya si Borga." Sabi ng boses babae sa likod niya.

Nakita niya ang Tiyahin niya. "Tita nanonood ka din?"

"Napadaan lang ako."

"Pero kilala mo siya."

"Oo, wala pa siyang talo miski isa at laging bagsak ang kalaban niya. Sa susunod na Linggo may laban siya sa nagngangalan daw na Talim."

"Ah okay." Nagka-interes siya dito.

Tumawag ang Ate niya. "Ate next week na ko uuwi."

"Sandra, kailangan mo nang umuwi, binabawi na ni Mommy ang parusa sa'yo, isang buwan na lang hindi na dalawang buwan."

"Ate, will you please give me 1 more week."

"Akala ko ba ayaw mo diyan, bakit ngayon ayaw mo nang umuwi?"

"Basta Ate nextweek na."

"Baka may boyfriend ka na naman diyan?"

"Wala Ate, basta next week na, okay?" Binaba na ni Sandra ang telepono. Balak niyang makitang lumaban si Borga dahil matangkad ito at interesado din siya sa lalaki, may itsura din kasi ito.

Dumating ang araw ng kapistahan at nakita niya si Talim. Nagulat siya pagkat akala niya ay mukhang hindi papahuli ng buhay ang Talim na yan pero kasing tangkad ito ni Borga at mas gwapo pa. Nagbago siya ng plano at kumampi siya kay Talim kahit alam niyang wala pang tumatalo kay Borga. Hangang sa natuwa siya dahil nanalo si Talim at nakita niya na nagpaagaw ito ng pera. Kaya sinundan niya at kausap na nga niya si Talim ngayon at nagpakilala siyang Danni.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon