47. Martina

589 23 1
                                    

Habang nag-iikot ikot si Lyka sa Hotel nang makaalis na si Orlando ay napansin niya si Talim na nakatingin sa mga litrato sa Museo. Tinitignan naman ni Talim ang mga sikat na litrato ng atleta sa Museo. Inaaliw lang niya ang sarili niya dahil wala siyang ganang kumain. Naagaw ng pansin niya ng isang litrato ng bata na nagtitinda ng kakanin habang nakangiti. Naalala niya ang kwento ng matanda na si Lyka. 'Saan na kaya si Lyka ngayon? Itong larawan na 'to parang sinadya lang.' Tanong niya sa sarili.

Napadaan si Lyka kunwari sa Museo para tignan si Talim. Alam niya kasi na ilang oras na ang lumilipas at hindi pa ito kumakain. Naisipan niya itong lapitan. "Carmelo!" Tawag ni Lyka sa mahinang boses pero narinig agad ni Talim.

Ngumiti si Talim nang makita si Lyka. "Lyka! Sabi ko na nga ba makikita pa kita dito."

"Ano naman ang tinitignan mo diyan?"

"Itong picture. Ang ganda ng kuha kahit mukhang luma na. Sinadya ba 'to o hindi?"

"Hindi sinadya 'yan ayon sa eksperto. Edited pero halos pinalinaw lang naman para maging makulay ang balat at paligid."

"Talaga? Ang ganda ng batang 'yan. Naalala ko sa kaniya si Lyka na nagtitinda ng kakanin. Ganiyan kaya siya kaganda? Bihira ang ganiyang bata kasi sa ngayon eh."

Nabigla pero hindi pinahalata ni Lyka ang reaksyon niya sa mga sinabi ni Talim. Nakatingin lang siya sa litrato niya. Iba ang kulay ng balat, payat kaya hindi mo maiisip na si Lyka nga ang batang nasa larawan na 'yon. "Kumain ka muna Carmelo." Pag-iiba ni Lyka sa usapan.

"Wala akong gana." Tipid nitong sagot. "Makita lang kita, busog na ako."

Ngumiti si Lyka. "Sobrang makaluma ka talaga lung mangbola. Huwag ka nang mahiya."

"Totoo ang sinasabi ko." Ngumiti pa ito. "Uuwi na ako mamaya."

"Kumain ka muna."

"Sa labas na ako kakain."

"Iniisip mo ba na kabawasan ito sa pangliligaw mo sakin?"

Nagtaka si Talim. "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Ayokong may babaeng gumagastos para sakin."

"Ganun ba?"

May dumating. "Lyka kamusta? Balita ko--"

"Sarhento kamusta?!" Sinabayan ni Talim ang pagsasalita ang dumating. Kakilala niya kasi ito at alam nito ang buong pagkatao ng harhento na dumating.

"Kuya Marcial! Magkakilala kayo?" Namanghang tanong ni Lyka.

May nagbalik sa isip ni Marcial.

Hinuli niya si Talim dahil sa over speeding ng kotse nito. Pikon na pikon siya dahil kung wala pang sasakyan na haharang ay hindi niya maabutan si Talim. Nasira ang gabi niya nung araw na 'yun. Kinatok niya ang bintana ng kotse ni Talim. "Hoy! Kakausapin kita." Sabi ni Marcial at lumabas si Talim.

"Sir bakit? Ano ang violation ko?"

"Over speeding."

"Gabi na naman eh Sir eh."

"Ibigay mo ang lisensya mo. Takaw aksidente ang ginagawa mo." May ini-abot na 500 si Talim.

"Hindi ako tumatanggap ng lagay! Akina ang lisensya mo."

"Pasensya na Sir. Malayo pa ang uuwian ko eh. Pangasinan pa. Nagmamadali lang talaga ako. Wala pa ako sa kalahati."

"Pwes. Sumama ka sa presinto." Tinawagan ni Talim ang Lolo niya para humingi ng tulong.

"Dayo ka lang pala ang siga mo magpaandar ng kotse. Hindi pwede 'yan dito." Sabi ni Marcial ng nasa presinto na sila at nakatingin kay Talim habang kausap nito si Don Berto.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon