56. Daniel Reymundo

597 26 2
                                    

Nagbangga ang mata nila na nauwi sa saglit na titigan bago bumawi ng tingin si Bellen. "Nay, sino siya?" Tanong ni Lyka dahil may nakita siyang bisita.

"Taga kabilang building, bumisita lang." Simpleng sagot ni Bellen.

Napansin ni Lyka ang bulaklak at tsokolate na nasa lamesa. Nahulaan niya na hindi lang ito basta bisita lang. "Nay, andito si Tatay." Tinuro ni Lyka ng dalawang kamay ang Tatay niya sabay tingin sa lalaking bisita.

"Andiyan na pala ang asawa mo Bellen. Pasensya na." Sabi ng Lalaki.

"Makakaalis na po kayo. Pasensya na po. Hindi agad nasabi ni Nanay na may asawa na siya." Sabi ni Lyka mismo sa lalaking bisita..

"Lyka! 'Wag mong paalisin ang bisita ko, pangbabastos ang ginagawa mo." Sinaway ni Bellen si Lyka.

"Pero Nay! Andito si Tatay."

Hindi makatingin si Bellen kay Arturo. "Mauuna na ako Bellen." Umalis na ang lalaki.

Alam ng lalaking 'yun na kinasangkapan lang siya ni Imelda kaya inaasahan na talaga ni Bellen namangyayari ang ganitong tagpo. Nagsalita si Arturo pag-alis ng lalaki. "Manliligaw mo siya Bellen?"

"Oo! Matagal na, sabi ko wala akong asawa pero nagmukha kong sinungaling ng dahil sa'yo." Pataray na sabi ni Bellen na unang beses niyang gawin sa buong buhay niya. Umalis si Bellen at pumasok sa kwarto.

"Nay, bumalik ka dito." Pero walang nagawa si Lyka ng pumasok ito.

"Hayaan niyo na ako Lyka." Sagot lang ng ina nang makapasok sa loon. "Masaya na kayong mag-ama dahil nagkita na kayo."

"Nay, kausapin mo si Tatay."

"Mag-usap tayo Bellen." Singit naman ni Arturo. "Bumalik ako para kamustahin ka pero wala ka."

Nasaloob na ng kwarto si Bellen kaya malalakas ang boses nila para magkarinigan. "Wala kang balak na balikan ako. Nalaman mong patay na ako 'diba?"

"Hindi totoo 'yan. Tumakas lang ako para ayusin sana ang problema ko sa'yo. Hindi ko alam na patay ka na dahil kailan ko lang naman ito nalaman. Hindi nila sinabi sakin na patay ka na para hindi ako masaktan. Nung una ang akala ko'y may asawa ka nang iba pero 4 years ago, nabalitaan kong patay ka nga. Nilimot na kita dahil sa nalaman kong 'yun. Sobrang sakit para sa'kin nang malaman ko ang lahat. Kaya ngayong buhay ka pala, hindi pa huli ang lahat. Itutuwid ko ang nagawa ko."

"Walang saysay na paliwanag, Arturo! Alam mo ba ang nangyari nung nawala ka? Hindi 'diba? Kaya sana huwag na tayong mag-usap. Huli na 'to."

"Ikaw lang ang babae na minahal ko Bellen. Hindi ako papayag na hindi tayo magka-ayos. Gusto kong magbalikan tayo kaya kung hindi man ito magaganap ngayon, babalikan kita, bukas o sa susunod pang mga araw."

"Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Kung pagpapatawad lang ay madali kong maibibigay sa'yo 'yan."

"Mag-usap tayo Bellen! Ipapaliwanag ko sa iyo lahat ng nangyari."

Tahimik na umiiyak si Bellen sa loob ng kwarto at si Lyka naman ay malungkot na nakikinig sa pag-uusap nila. "Tapos ano, kukulitin mo ako para magkabalikan tayo." Sumagot ulit siya. "Hindi ako sigurado kung totoo 'yang sasabihin mo na 'yan kaya magsasayang ka lang ng laway, hindi ako maniniwala sa'yo."

"Balak ko nang makisama sa'yo para maging asawa na kita pero pwersahan akong dinala ni Papa sa ibang bansa. Basta totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa. Maluwag kong pakakawalan sa'yo ang totoo."

Binuksan ni Bellen ang pinto at nagsalita. "Sige! Magkalabasan na ng mga totoong nangyari! Para lang hindi magutom, nagtiis si Lyka sa toyo at gulay lang. Pag walang wala kaming ani sa bukid.. kanin na durog at konting asin lang-pwede na sa kaniya. Ilang kilo metro ang tinatakbo para lang makarating sa Bayan at magtinda ng lahit ano. Kapag tag-ulan, nanghuhuli siya ng palaka para ibenta at sa hapon, halos masagasaan na ng mga sasakyan at sinisigawan ng mga driver dahil nagtitinda siya ng tubig sa kalsada." Nagulat maging si Lyka sa sinasabi ng ina niya. Hindi niya ito maawat. Halos matulala naman si Arturo habang nakikinig. "ANG ANAK MO LAHAT ANG NAGSAKRIPISYO NG MGA GINAWA MO!!"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon