37. Ang Muling Pagkikita

628 26 2
                                    

"Matagal na silang umalis kaya ako nalang ang nanirahan dito." Sagot ng matanda.

"Bakit po napili niyo na dito manirahan?" Tanong ni Talim.

"Dahil ayokong maging pabigat sa mga Anak ko."

"Kahit kailan ang isang Ama ay hindi dapat nagiging pabigat sa Anak."

"Kung alam mo lang ang ugali ng mga Manugang ko, pati mga Anak ko'y nadadamay."

Naisip ni Talim si Tita Gwen niya kung saan nagmana si Alexa at Angelo kaya hindi imposibleng mangyari ang sinasabi ng matanda. "Ilang taon na po kayong naninirahan dito?" Tanong ni Camille.

"Meron nang walong taon."

"Ibig sabihin walong taon nang wala si Lyka dito?"

"Oo."

"Ilang taon po si Lyka nang umalis dito?"

"Siguro sa Maynila na niya tinuloy ang pag-aaral niya kaya matapos siguro ang high school ay umalis na siya."

"Nasa early 20's siya ngayon? I think 23 or 24?" Biglang may nagbalik sa utak ni Talim nung bata pa siya. May nakita siyang babae na tumatakbo at kumaway sa kaniya. Naalala niya 'yon dahil hindi niya malilimutan ang pagtutulak niya ng motor dahil naubusan siya ng gasolina. 'Sigurado ako na si Lyka ang nakita ko. Imposibleng maging siya si Miss Lyka dahil Tita niya ang may-ari ng Hotel.' Napaisip talaga si Talim bago nagsalita. "Salamat po Tatang sa impormasyon na 'yan. Minsan po dadalawin ko kayo dito para magbigay ng patay na hayop upang makain niyo."

"Ang bait mo. Malayo ka sa mga Anak ko. Tatanggapin ko ang alok mo." Ngumiti si Talim at sumakay na sila sa kabayo at umalis. Ang misyon ngayon ni Talim ay hanapin si Lyka. Nang mga panahon na nakita niya ang batang si Lyka ay si Bernadeth kasi ang laman ng isip niya pero ngayong wala na si Bernadeth ay naging interesado siya sa batang 'yun na hindi nalalayo ang edad sa kaniya ngayon. Kaso mahihirapan siyang makita ito dahil malaki ang Maynila.

Si Talim na ang humawak ng tali pero nasa harapan parin niya si Camille. "Ang bait mo Kuya."

"Bakit naisipan mo na tawagin uli akong Kuya?"

"Ay oo nga pala nakalimutan ko."

"Camille, 'wag mo nang sanayin na hindi akong tinatawag na Kuya dahil nasanay ka na na Kuya mo ako."

"Pero Ku... Ay Talim pala, ayokong Kuya kita para maisip ng mga babae na may gusto sa'yo na girlfriend mo ako."

"Nangangako ako Camille na mula ngayon ay kung sino na ang maging girlfriend ko--siya na ang magiging asawa ko."

"Sige na nga Kuya Talim."

Pag uwi nila ay kinausap ni Talim ang lahat ng pahinante at driver na tauhan niya. "Makinig kayo, magdadagdag ako ng truck at mga tauhan, naranasan ko kasing maging driver at mahirap pala kaya magdadagdag ako ng oras para makapag pahinga kayo at maiwasan na rin ang mga nagkakasakit." 'Yan ang sinabi niya ng ipatawag niya ang lahat ng tauhan niya. Nagbulungan ang lahat ng nakangiti matapos magsalita si Talim. Kalat na sa mga tauhan niya na nabighani si Talim sa isang OIC sa Hotel sa Maynila dahil sa chismosong si Ismael at Sonny kaya hindi maiwasang mapag-usapan nila si Talim.

"Tingin ko kahit driver lang ang pakilala niya dun ay papasa siya pustahan tayo." Sabi ng isang tauhan.

"Malamang, 'diba ang artistang si Martina nga halatang may gusto kay Talim?" Sabi naman ng isa.

"Oo, swerte ni Talim dahil may itsura siyang ganiyan."

"Kilala niyo ba ang dalagitang kapatid ko na si Isay? Napakatino niya pero kaya niyang magbiro ng 'mahalikan ko lang si Talim ay pwede na akong mamatay bukas." Nagkatawanan sila.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon