50. Pagpapakilala

590 23 2
                                    

"Nakarating na ba kay Tita ang nangyari?" Tanong ni Paulo kay Lyka matapos makausap ni Lyka si Imelda.

"Oo! May nakapag sabi yata o sinumbong ako ni Orlando."

"Binabantayan ng lahat ng tao ang kilos mo."

"Basta wala akong kasalanan at alam ko ang ginagawa ko."

"Aalis na ako."

"Mamaya na! Dito ka na mag dinner."

"Hinihintay ako ng asawa ko, ganitong oras ang uwi niya."

"Alam ko na! Isama mo siya dito."

"Tamad mag gala 'yun. Next time nalang."

"Ewan! Sige, salamat sa lahat Pao ah."

"No problem Mards!" Umalis si Paulo at naiwang nag-iisip si Lyka kaya balak niyang humingi uli ng payo kay Sosina.

-

"Alam ko na kung bakit nangyayari ang lahat ng ito!" Sabi ni Sosina habang nakatingin sa kaniyang mahiwagang pekeng kristal at nakatutok dito ang palad niya.

"Pwede ba Sosina, 'yung seryoso ah. Ayoko nang puro hula lang." Sabi ni Lyka. Nasa bahay siya ngayon ni Sosina.

"Ano ba Lyka?! Magpapahula ka ba o ano? Dinayo mo ba ako dito para artehan lang?"

"Hindi hula lang ang gusto ko, I need an advice. Aminado naman ako na accurate ang mga sinasabi mo tungkol sa pag-ibig eh."

"Kaya nga tutulungan kita 'diba?"

"Oh sya sya sige, ano ba 'yang nakikita mo diyan?"

"Ayon dito! Ang pagiging humble ang nagtulak sa'yo kung bakit mo nagustuhan si Carmelo. Kaya lahat ng manliligaw mo ay inayawan mo ng dahil sa kaniya. Naiiba siya kasi sa lahat at isa pa, gwapo siya."

"Okay na sana eh. Bakit dinagdag mo pa 'yung 'gwapo'? Oo medyo nagagwapuhan nga ako pero hindi ako magdadalawang isip na ireject siya basta hindi ko nagustuhan ang ginawa niya."

"Alam mo Lyka, bakit ba sa dinami-dami ng manliligaw mo, kay Carmelo ka nakatutok? Pwede kang sumubok sa iba. Bakit hindi mo muna alamin ang ugali nila? Hindi pa yata nanliligaw--busted na! Tanging si Orlando lang talaga ang tumagal."

"Yun nga rin ang hindi ko alam eh. Kaya nga ako lumapit sa'yo."

"Hmmmm! Tingin ko, andiyan kasi 'yung influenced ng mga nakapaligid sa'yo. Si Leslie at ang actress na si Martina. Alam mong kahit sila'y may gusto kay Carmelo. Even they knew that Carmelo is just a driver."

"Haaay! Convincing nga 'yang sinabi mo. Salamat sa'yo Sosi. Siguro nga kaya lalo akong nagkagusto sa kaniya." Nakasimangot si Lyka.

"Bakit malungkot ka?"

"Ako kasi, handa ko siyang ipaglaban sa lahat. Tingin mo sila, ganun din kaya?"

"Sa tingin ko meron silang sariling paa para makapag pasya. Gwapo si Carmelo kaya siguro nila ito nagustuhan. Dahil may sarili silang pagpapasya. Hindi na nila kailangan pang ipaglaban si Carmelo at baka tulungan nila si Carmelo na 'wag nang mag drive para hindi nakakahiya sa tao. Alam mo 'yun?"

"Parang sinabi mo na wala akong sariling pagpapasya. Gusto ko kasing ipagmalaki siya sa lahat kahit driver lang siya."

"Sikat kasi sila at ikaw hindi ganoon ka popular. Pwede mo ring gawin ang gagawin nila pero maraming aawat sa'yo. Nasa stage ka pa lang ng ganito, 'yung medyo bagets pa kahit may narating na."

"Pero alam mo, nung naka-usap ko si Martina, parang gustong gusto niyang topic namin si Carmelo."

"Malay natin 'diba? Chismis lang pala na pangit ang ugali ni Martina."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon