Kausap ni Lyka si Sosina sa Hotel. "Talaga bang binasted mo 'yung driver na 'yun?"
"Oo bakit?"
"Irereto ko siya sa mga friend ko na naghahanap ng boyfriend na gwapo."
"Hindi basta basta papatol si Carmelo sa kung sino lang."
"Lyke, ano naman tingin mo sa sarili mo? Porke niligawan ka niya superstar ka na?!"
"Hindi ganun 'yun Sosi. Napansin ko lang na hindi siya gaya ng iba. Bakit naman hindi niya pinatulan si Leslie? Sakin parin ang bagsak niya. Hindi sa nagyayabang ako, pinakitaan ko siya ng maganda kaya sa tingin ko hindi siya basta basta papatol kung hindi niya nagustuhan ang ugali ng tao."
"Sure ka? Malay mo pinatulan na niya ngayon dahil busted na siya sa'yo? Kilala mo na ba siya ng lubos? Hindi pa naman. Kaya hindi ka sigurado kung hindi pera ang habol niya sa'yo."
"Kung patulan man niya 'yun, hindi mo na siya mairereto sa iba."
"Kung hindi pinatulan? At kung one night stand lang pala? O kung itago lang siya dahil isa lang siyang driver?"
"Lalo mo siyang hindi mairereto sa iba dahil hindi siya magiging masaya kung hindi siya kayang ipagmalaki ng babae."
"Ginamit lang pala siya ni Leslie sa resort nung gabing 'yun? And then, goodbye na? Marami akong kaibigang babae ngayon na mababait din naman."
"Madali lang para sa kaniya ang maghanap ng babae dahil maraming nakapalibot na modelo sa kaniya nung gabing 'yun. Kahit ipaalam niya na driver siya, I'm so sure na papatulan parin siya. Nakita mo naman na hindi halata na driver siya even hindi naman siya mukhang mayaman, sa pananalita halatang kaya niyang humarap sa mga tao. Kawawa naman siya kung itsura lang ang mamahalin sa kaniya."
"Sige na sige na, akin na ang number niya."
"Nabura ko na."
"Nakakainis ka naman eh."
"Tignan mo sa phone ko para malaman mo kung nagsasabi ako ng totoo."
"Ewan sa'yo! Haay, sayang siya. Babalik pa kaya siya? Hindi sa crush ko siya, ngayon pa lang kasi parang nakakapanghinayang siya ipamigay sa kung kanino lang. Maigi 'yung pakinabangan naman siya ng mabuting tao dahil kung mayaman siya, I'm sure, walang babaeng kaya siyang tapatan. Kaya kung pera ang advantage ng babae, pwede na siguro then saka na baguhin ang lahat."
"Pag bumalik siya. Malamang ako ang binalikan niya. At huwag ka nang mag-isip ng kung ano ano. Kaya lumalaki ang ulo ng mga lalaki dahil sa inyo. Mas marami ang babae pero lalong nagyayabang ang mga lalaki dahil pinapakita niyong wala nang lalaki sa mundo."
"Puro babaero na nga ang lalaki ngayon kaya mahirap nang maghanap ng mabait na gwapo pa at pa'no ka nakakasiguro na ikaw nga ang babalikan niya?"
"Wala na siyang ibang pakay dito bukod kay Leslie na halatang hindi niya gusto."
"Feeling mo naman gusto ka talaga niya? Mayaman ka lang kasi atsaka maganda."
"Nararamdaman ko na ako ang gusto niya. Ramdam ko na hindi siya mapagsamantala. Kung ako sa'yo, 'wag mo na siyang ireto sa iba dahil walang magseseryoso sa kaniya."
"Malay mo meron?"
"Inaamin ko hindi ako tumitingin sa estado sa buhay ng lalaki. Kaya ko siyang patulan pero tingin mo ba, lahat ng tropa mong mayaman katulad ko?"
"Malay mo."
"Malay ko talaga. Ang alam ko sa mga tropa mo pinag-aagawan ng mga gwapong gustong makapang-asawa ng mayaman. Gwapong nakapag-tapos hindi driver lang."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.