Few moments ago... "Ms. Imelda, si Lyka nagpunta sa resort ng Hotel! Tignan niyo ang live footage!" Sabi ng sekretarya niya. Agad tinignan ni Imelda at ng mga opisyal na kasama niya ang bidyo.
"LYKA!! Anong kalokohan 'to?!" Sabi ni Imelda pero nakatawa at nalilito habang nagulat sa nakikita.
"She looks very sexy, hindi ko akalain na ganiyan kaganda ang hubog ng katawan niya even I expect she's quite sexy." Sabi naman ng kapatid niya.
"She keeps herself physically fit without workout. So, sexy, she's amazing." Sabi ng isang kasama nila.
"Ikaw talaga Lyka, masasabunutan kita." Nakangiting sabi uli ni Imelda.
"Pakinggan niyo 'yung sinabi niya. Wala pala siyang balak sumali sa kompetisyon." Sabi naman ng isa pang opisyal.
"Sino sino ba ang guest nating celebrities?" Tanong ni Imelda.
"I'm sure, Lorna Dominic is there. Nakita ko siya kanina." Sabi ng kapatid niya.
-
Pagtapos nun ay nagsalita uli ang MC. "Thank you Ms. Lyka Trinidad, our OIC but unfortunately she didn't join even we're all know that she's the most sexiest at this moment." Nagulat si Talim sa sinabi ng MC dahil magka-apelyido si Lyka at Tito Arturo niya. Kaya naalala niya ang tagpo nung nakaraan araw sa Mansyon.
"Tito Arturo, humarap ka nga sakin?"
"Bakit Talim?"
"I think kamukha mo yung OIC sa Hotel."
"Hotel?"
"Oo Tito, Hotel sa Manila."
"Malamang gwapo siya no?"
"Babae siya Tito!"
"Carmelo, aalis na tayo." Rinig niyang sabi ni Leslie.
Nagsalita uli ang MC. "And now it's time for the speech ng ating tinanghal na most sexiest of the night, Ms. Leslie Villanueva!! Palakpakan po natin siya." Pero hindi pinansin ni Leslie ang MC at naglalakad siya papasok ng dressing room kasama si Talim. "Ms. Leslie! Where are you?!" Sabi ng MC.
Nagbulungan bigla ang mga tao. "Nag walkout na!!" Sabi ng isang sumigaw.
"I can't believe! Where is she? Judges? What are we supposed to do?" Nag-usap usap ang mga hurado at hinayag ang bagong nanalo.
Sa dressing room.
"Nakakainis si Ms. Lyka! Hindi niya sinabi na pupunta siya dito. I didn't expect her. Agaw eksena pa!" Sabi ni Leslie sa dressing room kasama si Talim.
"Aalis na ako Leslie. Hinihintay na ako ni Ismael."
"Isama mo si Ismael, mag iinom tayo ngayon sa taas."
Tinanggihan ni Talim si Leslie dahil kailangan niyang makausap si Lyka. Wala siyang balak na makasama pa ito nang matagal. Hangad niya ngayon ay si Lyka. Nakita niya sa mga mata nito ang inis sa kaniya.
Tinawagan niya si Lyka. "Lyka! Nasa'n ka?"
"Ang lakas ng loob mong tumawag, matapos mo akong iwan kanina!"
Hindi inaasahan ni Talim na magagalit si Lyka sa kaniya. "Hindi ko sinasadya 'yon. Halata kasi na ayaw niyang umalis sa tabi ko eh. Akala ko maiintindihan mo ang sitwasyon. Guest siya kaya dapat--"
"Hindi sa lahat ng oras--costumer is always right. May hangganan 'yun. Napahiya ako kanina dahil iniwan mo ako." Magulo parin ang isip ni Lyka sa nangyari. Mahinahon lang naman sila habang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Like A Frog
Fiksi UmumMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.