66. Ako Si Laura

568 24 2
                                    

"Makinig kayong lahat!" Sabi ni Talim sa harap ng maraming magsasaka. "Huwag muna tayong mawalan ng pag-asa. Itutuloy natin ang pagtatrabaho. Siguradong hindi kayo mapapaalis dito!" Kaharap niya ang lahat ng tauhan nang magpatawag siya ng meeting. Matapos ang meeting ay gumaan ng konti ang pakiramdam ni Talim dahil nakakita na naman siya ng ngiti sa mga tao nila. 'Wag lang niyang maalala si Lyka dahil narinig ni Arturo ang lahat ng sinabi niya.

"Hindi ako papayag Talim! Akala ko ba mahal mo ang Anak ko?! Akala ko nangangako kang hindi mo siya sasaktan?!"

"Pasensya na, Tito kung hindi ko matutupad ang pangako ko. Alam kong alam mo ang dahilan. Ayokong maghirap ang maraming tao natin."

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi magtatagal ang galit sa'yo ni Lyka."

"Alam ng Diyos na kailangan ko siyang saktan dahil maraming taong madadamay 'pag inayos ko ang gusot sa pagitan namin. Akala mo ba hindi ko sobrang minahal si Lyka? Akala mo ba masaya ako pag may mga taong umiiyak sa harapan ko na alam kong ako lang ang makakatulong sa kanila? Dalawa lang kaming iiyak ni Lyka 'pag nagsakripisyo ako."

Walang nagawa si Arturo sa sinabi ni Talim dahil alam niyang mas tama ang sinabi nito. Hiniga nalang niya ang katawan niya sa sofa.. Nagpunta si Talim sa Maynila para kausapin si Alexa. Nakainom siya ng makarating siya sa Mansyon. Nag-alalang bigla si Camille dahil nalaman na niya ang plano ng Kuya niya. Nasalubong niya ito. "Gabi na Kuya, bakit amoy alak ka?"

"Dito ako matutulog. Paki sabi sa kasambahay, linisin ang kwarto ko!"

Nanibago man si Camille ay wala naman siyang magawa. Nakita niya na pumunta ito sa terrace kung saan malapit ang kwarto ni Alexa. Lumabas agad si Alexa nang maramdaman niyang nasa malapit lang si Talim. Wala siyang alam sa plano pero balak niya itong akitin dahil alam niyang nakainom ito.

Nakasilip si Camille sa kanila at naiiyak sa pwedeng mangyari. Tinawagan niya si Lyka. "Ms. Lyka! Iligtas mo ang Kuya ko!"

"Bakit Camille?! Anong nangyari sa Kuya mo?"

"Mahabang istorya Ms. Lyka. Pumunta ka dito para bawiin ang Kuya ko. I'm so sorry kung nilihim ko sa'yo ang sikreto ni Kuya. Ayoko kasing maging madaldal. Isa lang ang sinisiguro ko, mahal mo pa ang Kuya Talim ko kaya iligtas mo siya."

"Okay, naiintindihan ko pero bakit ko kailangang iligtas ang Kuya mo?"

"Magpapakasal sila ni Ate Alexa."

Nag-unahan na naman ang luha ni Lyka sa pisngi sa narinig. "Ayaw na kasi sa'kin ng Kuya mo. Hindi totoo na seryoso siya sa'kin."

"Hindi totoo 'yan, Ms. Lyka! Kailangang magsakripisyo ni Kuya para makuha ang boto. Ayaw niyang mawala ang Farm na malapit nang ipatanggal. Plano niyang pakasalan si Ate Alexa para makuha ang boto ni Kuya Angelo at Tito Enrico."

Napabalikwas si Lyka sa narinig mula kay Camille. Naalala niya din na patay na pala si Don Berto. Alam na niya ngayon ang problema ni Talim nung Carmelo palang ang pagkakakilala niya dito. Ramdam niyang may tinatagong problema ito sa mga nagdaang araw. Dumagdag pa ang problema nila. Naawa tuloy siya. "Sige.. Kaya kong gawan ng paraan 'yan."

Naalala ni Lyka ang nabasa niya sa libro na ang pamagat ay...

The Amazon Warrior

Naisip ni Lyka na kailangan niyang iligtas si Talim sa kamay ng iba pero paano? Maraming tao ang magugutom 'pag tumagal. Hindi na muna niya iisipin ang mangyayri, ang tanging nasa puso niya ay iligtas ang pinakamamahal niya. Nagsalita siya sa hawak na telepono. "Pangako Camille, ako na ang mismong kakausap sa kaniya bukas para bawiin ang binabalak niya."

"Hindi pwedeng bukas, kausap na niya si Ate Alexa ngayon, Ms. Lyka please, ngayon din pumunta ka dito."

"Pero hating gabi na Camille!"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon