Nakahubad baro si Talim habang mimasahe siya ni Ismael. Kampanteng nakadapa siya sa damuhan. "Napakaswerte mo Talim, may taga masahe ka pa."
"Hoy Ismael! Hindi ko sinabi na magmasahe ka sakin?" Sabi ni Talim at magtawanan ang mga trabahador.
Bakante ang oras na 'yon. "Biro lang naman Talim!" Gawain na ni Talim na samahan ang mga tauhan niya sa bakanteng oras dahil ayaw niyang magpahinga sa bago niyang opisina sa Mansyon. Masaya silang nagkakatawanan nang biglang dumating si Sandro.
"Talim! Hinahanap ka ni Borga." Nagkatinginan muna sila ni Ismael bago siya sumagot.
"Sige, papuntahin mo dito." Naabutan pa ni Borga na may nagmamasahe kay Talim pag dating niya. "Iwan niyo muna kami." Utos ni Talim at bumangon. Nag-alisan ang lahat para makausap niya si Borga. Kahit alam na niya ang pinunta nito ay nagtanong parin siya. "Ano ang kailangan mo?!"
"Totoo ba na ayaw mo na akong labanan?"
"Totoo, bakit?"
"Natatakot ka?"
"Hindi ako takot sa'yo Borga. Wala lang talaga akong oras para diyan."
"Kung gusto mo talaga Talim, may paraan."
"Borga, wala na akong interes na labanan ka pa. Sapat na 'yung tinalo kita at wala na akong papatunayan pa."
"Kailangan nating magharap uli dahil 'yun ang hiling ng mga tao."
"Naniniwala ka sa kanila na kaya mo 'kong talunin?"
"Hindi sila ang nagsabi na tatalunin kita. Kundi ako!"
"Wala kang laban sa'kin Borga. Sayang lang ang pera niyo, doble ang ipupusta ni Uncle pag nagkataon, kaya niyo ba 'yon? Baka lalo kang hindi makagalaw ng maayos."
"Kung pusta rin lang, kaya namin ang doble. Pero ang wala akong laban sa'yo ay hindi pwedeng ideklara. Iba ang pangalawa."
"Mag-isip ka nga Borga. Dalawang beses kitang pinagbigyang tumayo at ang pamosong kaliwang suntok mo ay hindi ako nagawang mapapabagsak. Imposibleng lumakas ka na." Isang ilag ang ginawa ni Talim dahil sinuntok siya. Napaatras siya at binuka ang palad sa kaliwang kamay at hinarap kay Borga at ang kanan niya ay nakaangat din na pormang susuntok. Hinihintay niyang umatake uli si Borga pero wala siyang balak lumaban. Balak lang niyang salagin ang suntok nito. Pero hindi umatake si Borga, galit parin ang itsura niya. "Wag kang mapikon Borga, nagsasabi lang ako ng totoo at alam mo 'yan. Lahat ng nasa ilalim mo ay hindi nagawang makawala pero nagawa ko. Tanggapin mo na kasi Borga na hindi mo sigurado kung kaya mo talaga akong talunin."
Nagbalik sa isip ni Borga ang pangyayari sa laban nila. Totoo na si Talim ang pinaka malakas sa lahat ng nakalaban niya. "Talim! Pagpalagayan natin na tama nga 'yang sinasabi mo, pwede kang kumita dahil malaki ang ipupusta niyo, pero bakit ayaw mo na? Ano ang gusto mong palabasin?!"
"Walang kwenta ang pera sakin atsaka lalo ka lang mababaon sa kahihiyan pag tinalo uli kita."
"TALIM!"
"Sige na Borga, umalis ka na." Iniwan na siya ni Talim dahil may trabaho pa siya. Umuwing napipikon si Borga kay Talim pero wala siyang magawa dahil alam niyang totoo ang sinabi nito sa kaniya.
-
"Sayang dahil hindi pinatulan ni Talim si Borga. Malaki sana ang kikitain natin." Sabi ni Luis kay Arturo.
"Pa'no kung matalo? Alam mo naman na dikit lang ang laban nila nung una 'diba? Lamang pa nga si Borga sana eh." Sagot ni Arturo.
"Akala niyo lang 'yun! Gusto ni Talim kasi na pabagsakin si Borga sa isang suntok lang dahil 'yun talaga ang misyon niya. Hindi katulad ni Borga, pera ang nasa isip kaya natalo siya. Naging agresibo siya masyado."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.