51. Si Lyka At Si Lyka Ay Iisa

629 27 4
                                    

Alam ni Imelda na hindi basta basta magkakagusto si Lyka sa isang lalaki. Mabilis na pumasok sa isip niya na gumawa ng paraan si Talim para magustuhan ni Lyka.

Ang maganggap bilang isang driver. "Nice meeting you Carmelo." Nakangiti lang si Imelda.

Napangiti din si Lyka. "Tita, siya po 'yung binanggit ko sa inyo."

"Napakagwapo naman pala nitong manliligaw mo." Napapikit si Talim nang sabihin 'yun ni Imelda pero hindi niya pinahalata kay Lyka.

"Mabait siya Tita. Hindi lang siya gwapo. Alam mo naman na hindi uubra sakin kahit ga'no pa kagwapo ang lalaki." Sabi ni Lyka sabay bahagyang kinurot si Carmelo sa bewang. Hudyat na nagtagumpay sila.

Halata ni Imelda ang bawat reaksyon ni Talim pero ang isa sa masaya sa kanilang tatlo ay si Talim mismo. Balak niyang kausapin si Imelda pagtapos nito. "Kakagaling ko nga lang pala kay Don Berto. Nakipag meeting lang ako dahil meron kaming bagong negosyo." Sabi ni Imelda at iba ang reaksyon ni Talim nung nabanggit nito ang Don Berto.

"Asawa siya ni Donya Victoria 'diba? Tita, small world. Sa kumpanya nila nagtatrabaho si Carmelo."

'At share holder pa.' Gustong iduktong ni Imelda pero hindi niya tunuloy. "Ganun ba? Hanggang kailan ka ba mag stay dito Carmelo? Malayo pa ang papasukan mo 'diba?"

"Hanggang bukas po, tita. Doon ako sa tiyahin ko matutulog." Sagot ni Talim pero parang lumabas lang sa ilong.

"Okay. Mag stay ka muna dito. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo."

"Talaga po Tita?" Sabi ni Lyka na tila natutuwa sa nangyari.

"Kain muna tayo. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Imelda.

"Hindi pa po Tita!" Masiglang sagot ni Lyka. Kumain sila kahit busog naman si Lyka. Para na din makapag-usap usap sila. Hanggang natapos din naman agad silang kumain.

-

"Mabait pala ang Tita mo. Wala pala akong dapat ipangamba." Masiglang sabi ni Talim kay Lyka.

"Oo mabait siya. Sabi ko naman sa'yo. Mas umaasa ako na magugustuhan ka niya."

"Nasa'n na ang pangako mo?"

"What?"

"Yung sinabi mo kanina." Naglakad palayo si Lyka. Iniwan si Talim. "Hintayin mo ako Lyka." Sinundan nito si Lyka.

"Wala akong alam sa sinasabi mo na 'yan."

"Ano?"

Tumigil sa paglalakad si Lyka. "Mamaya na 'yun. Excited ka masyado."

"Ngayon na." Lumapit agad si Talim.

"Mamaya na."

"Ngayon na."

"Bahala ka diyan. Busy ako." Binirahan niya ng alis.

"Lyka!"

Hinabol ni Talim si Lyka. Alam niyang nagkukunwari lang ito at kailangan niyang sakyan. Napakasaya ni Talim dahil mapapasagot na niya si Lyka. Hinuli niya ito at hinawakan sa dalawang balikat. "Sinabi mo na sasagutin mo na ako kung walang magiging problema sa Tita mo 'diba?"

"Carmelo! Wala akong natatandaan." Hindi siya tumitingin sa mata ni Carmelo.

"Basta simula sa araw na ito ay akin ka na."

"Anong iyo?! Pinangunahan mo na ngayon ang nililigawan mo ah. Ngayon lang ako nakakita ng tulad mo."

Pareho silang tumawa. Wala silang paki sa mga nakakakita. "Oo nga pala. Matanong ko lang. Sino nga pala ang nanalo nung Linggo sa event?"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon