32. Ang Muling Paghamon Kay Talim

633 30 3
                                    

Sa condo unit na pinuntahan nila ay tahimik. Pero pag pinasok mo ang kwarto ay maririnig mo ang halinghing ng isang babae. Nagtatalik sila ni Talim sa loob. Pakay lang pala ni Andrea ang katawan ni Talim at wala nang iba pa.

Nang matapos sila ay nagpaalam na si Talim. "Aalis na ako. Salamat sa oras." Binitbit ni Talim ang mga produkto na inalok sa kaniya ni Andrea.

"Ano pa nga ba? Sige, bye! Sana may next time."

"Kinokonsensya mo ba ako? Gusto mo rin naman 'diba?"

"Sinamantala mo ang kahinaan ko, Carmelo. Porke tayo lang ang nasa kwarto." Tumawa ng mahina si Andrea.

"Bakit hindi ka tumutol?"

"I mean, sinamantala mo ang pagkakataon. Napansin mo kasi na gusto kita." Mahinang tumawa uli si Andrea.

"Mukhang maigi naman ang pamumuhay mo pero bakit ka pa nagnenegosyo?" Tumingin si Talim sa mga inalok sa kaniyang produkto ni Andrea.

"Next time wala na 'yan. Nagkunwari lang akong nagbebenta niyan. Totoo pala na gwapo ka at mabilis sa babae. Pero wala sa itsura mo."

-

Nagpunta si Talim sa Mansyon ng Lola niya para magpalipas ng gabi. Alam kasi doon na dumalo siya ng meeting. Unang pagkakataon ito buhat ng makatapos siya ng pag-aaral.

Sinalubong siya ni Camille. "Kuya, kamusta?" Labing apat na taon na si Camille at ganap na siyang dalaga kung tignan. Niyakap siya ng Kuya niya.

"Camille, umalis ka! Hindi ka na bata para umarte ng ganiyan." Kumalong kasi ito sa kaniya.

"Minsan nalang tayo magkita, Kuya."

Dumating si Alexa. "Tama ang Kuya mo Camille, dalaga ka na kaya mahalay na para sa'yo ang umarte na parang limang taong gulang." Sumimangot si Camille.

"Lorna! Paki ayos ang isang guest room sa taas." Utos ni Alma sa isang kasambahay ng makita si Talim.

"Tita, saglit lang ako dito. Aalis na rin agad ako bukas ng umaga kaya dito nalang ako sa couch matutulog." Tutol ni Talim.

"Kuya naman. Minsan ka lang magawi dito eh. Kung gusto mo doon ka sa kwarto ko matulog?"

"Camille, hindi pwede 'yang inisip mo. Dalaga ka na." Sabi ni Alexa. Alam kasi nito na hindi talaga sila magkadugo kaya ano mang oras ay pwedeng may mangyari sa kanila. Pero kapatid lang talaga ang tingin ni Talim kay Camille.

"Doon ka sa guest room Talim, gasino lang naman na ayusin 'yon." Sabi ni Alma at wala nang nagawa si Talim.

Kinabukasan ay sabay sabay silang kumain ng agahan. "Talim! May nakakita sa iyo na pumunta ka sa condo unit na pinagamit ko kay Andrea." Bungad ni Don Berto.

Muntik nang mabilaukan si Talim at nahalata ng lahat 'yun. "May inalok lang siya sakin na ilang produkto Lolo." Umiwas ng tingin si Talim sa Lolo niya. Lumabas ng kwarto si Bernadeth at halatang buntis na dahil malaki na ang tiyan nito. Nagulat siya nang makita niya si Talim sa mahabang lamesa na pupuntahan niya. Hindi niya ito inaasahan. Nagbangga ang mata nila at napansin ni Talim ang tiyan nito. Lihim siyang nasaktan. Gusto sanang bumalik ni Bernadeth pero hindi na pwede.

"Hindi ako naniniwala Talim!" Sabi uli ni Don Berto. "Ano ang ginawa niyo doon?"

Umupo si Bernadeth habang nakikinig sa kanila. "Berto! Napakatino ni Andrea para pag-isipan mo sila ng kung ano-ano." Sabi ni Donya Victoria. "Baka totoong may pinag-usapan lang. Nagpakilala."

Napangiti si Alexa at nagsalita. "Kahit sinong matinong babae ay mawawala sa katinuan pag natitigan siya ni Talim."

"Alexa, hindi ganung tipo si Talim para gawin ang iniisip mo." Sabi ni Alma.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon