22. Pagbuhos Ng Sakit

607 26 2
                                    

Nakahiga pa si Talim sa kubo na tinulugan niya dahil hindi siya umuwi sa mansyon sa sobrang sama ng loob.. Tinawagan siya ni Angelo. Wala sana siyang balak sagutin pero kinukutuban siya para dito. "Hello Talim, hindi ka daw dito natulog?"

"Hindi ko na nagawang umuwi." Mahina ang sagot niya pero seryoso.

"Nakita mo sana si Bernadeth na dito natulog sa kwarto ko."

Nanlaki ang mata ni Talim. "Angelo nawawala ka na sa katinuan sa mga sinasabi mo! Masyadong imposibleng mangyari 'yan."

"Totoo ang sinasabi ko, Talim."

"Bakit ba patay na patay ka kay Bernadeth, Angelo. Tigilan mo na siya dahil wala kang mapapala! Kahit matalik pang kaibigan ng ina mo ang ina niya--baliwala kay Bernadeth 'yun."

"Talim, bakit hindi mismong si Bernadeth ang tanungin mo? May nangyari na sa'min kagabi. Alamin mo sa kaniya."

"Umayos ka Angelo ah, huwag kang sinungaling at bastos!" Binaba ni Talim ang telepono. Sinubukan niyang tawagan si Bernadeth pero wala syang balak sabihin ang mga sinabi ni Angelo dahil hindi siya naniniwala. Nakatingin lang si Bernadeth sa telepono niya habang tumutunoh ito. Kinakabahan siya dahil baka magtanong si Talim sa kaniya. Pero sa kabilang banda ay naisip niyang kailangan nang malaman ni Talim 'to para matapos na ang lahat. Sinagot niya ang tawag. "Hello Bernadeth, nasaan ka?"

"Andito sa kwarto ko, kamusta ka Talim?"

"Hindi ako natulog sa bahay, andito ako sa kubo, magkita tayo, Madeth ngayon din."

"Hindi pwede."

"Bakit hindi pwede? Andyan ba ang Mommy mo? Natatakot kang makita ka na kasama mo 'ko? Madeth malaki ka na at may trabaho, hindi ka na pwedeng diktahan pa ng Mommy mo."

"Talim, hindi na natin pwedeng ituloy ang relasyon natin, hindi tayo para sa isa't isa." Ang lakas ng kaba ng dibdib ni Talim sa sinabi ni Bernadeth.

Naalala nya ang sinabi ni Angelo. "Madeth bakit? Ayaw mo na ba sa'kin? Matagal na tayong nagmamahalan."

"Talim, sobrang mahal kita. Napatunayan ko na sa'yo yan, pero nakatakda na kong ikasal kay Angelo."

Nanginig ang buong katawan ni Talim. "Hindi totoo yan, you're so much in love with me para sundin mo ang gusto ng Mommy mo. Hindi ka isang bata para turuan pa, Madeth!"

"Bata pa 'ko nakatakda na akong ikasal kay Angelo. Kahihiyan yun sa pamilya namin kung babali ako sa kasunduan. Usapan na namin 'yun ni Mommy pero nagbago ang lahat nang makilala kita. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko."

"Pero Madeth, 7 years na tayong nagmamahalan. Hindi pwedeng matapos ang lahat sa ganito lang! Hindi ka nagkamali kundi sila!"

"Ito na ang katapusan Talim, malapit na ang kasal namin ni Angelo."

"Wala na ba talaga tayong magagawa Madeth?"

"Wala na dahil nag usap na ang mga magulang namin ni Angelo kagabi."

"Madeth umalis tayo sa lugar na 'to, ayokong mapunta ka sa iba, hindi pwede ang gusto nila."

"Huli na ang lahat Talim, hindi pwede ang iniisip mo."

"Bakit Madeth? Ayaw mo na ba talaga sa'kin?"

"May nangyari na sa'min ni Angelo kagabi." Natulala si Talim kasabay ng isang malakas na pagyanig ng dibdib niya.

"Madeth, pa'no mo nagawa sa'kin 'to?!"

"Ginawa ko dahil ayokong isakripisyo ang pagkakaibigan ng Pamilya namin, tanggapin na natin Talim. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi ko talaga kayang baliin ang usapan. I am very very sorry, Talim. Mahal na mahal kita."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon