28. His Bestfriend's Sister

614 27 2
                                    

Hindi agad nakumbinsi ni Lyka si Paulo pero pinayagan naman siya ni Mercy. "Sige na Lyka. Ako ang bahala kay Paulo." Tumingin ito sa kasama ni Lyka. "Hoy Inday Sosina, alagaan mo si Lyka ah." Magkakasama silang tatlo.

"Opo Manang Mercy." Sabay irap ni Sosina.

"Next week pa naman. Kukumbinsihin ko pa na sumama si Paulo." Singit ni Lyka.

Kinausap uli ni Lyka si Paulo. "Paulo, payag naman si Tita Mercy na sumama ka eh." Nasa office sila ni Paulo.

"Hindi nga ako makakasama." Pumayag si Paulo na pumunta siya sa Reunion pero hindi siya nakumbinsi ni Lyka na sumama.

"Mag tiwala ka lang Paulo. Hindi kami iinom ni Sosina." Paalala pa niya.

Hindi nakumbinsi si Paulo. Ngayon ay nasa bahay siya ni Michael. Si Michael ay matalik na kaibigan niya.

"Mike alam mo, pwede akong sumama sa Reunion, gusto ko lang subukan kung susundin ako ni Lyka." Sabi ni Paulo na medyo malungkot.

"Alam mo Pao, hindi si Lyka ang tipo na susunod sa lahat ng gusto mo. Pero magtiwala ka sa kaniya. Kung ako sa'yo, hindi na ako mag-iisip ng kung ano ano. Sayang 'yan si Lyka kung malalayo sa'yo dahil lang sa ganiyang ugali mo."

"May tiwala ako sa kaniya kaya kahit one week pa sila sa Reunion, hindi ako nangangamba. Kay James lang ako walang tiwala. Alam mo naman na sikat 'yun."

"Si James? Balita ko maglalaro na siya sa PBA ah."

"Wala akong paki kahit sa NBA pa. Ang alam ko ay may gusto siya kay Lyka at alam ko din na hindi siya papatusin ni Lyka. Lalaki tayo. Alam mo ang ugali ng kapwa mo lalaki kahit matino ka. Dahil alam mo din ang magagawa mo kung hindi ka magpapakatino."

Napailing si Michael. "Huwag mong husgahan si James, baka makarma ka."

"Para kasing binabastos niya ako ng talikuran eh. Kilala niya ako alam ko 'yon. Pero imbes iwasan niya si Lyka. Panay pa ang pambobola niya dito."

"Lalaki ka rin naman kaya alam mo na dapat 'yan. Kung hindi matino si James, hindi siya kakaibiganin ni Lyka."

"Naiinis lang talaga ako."

"Mag inom na lang tayo bukas, gabi pa uwi niya 'diba? Pagkakataon na natin uminom dahil sabi mo buong araw kayong hindi magkikita. Walang tao sa bahay bukas."

"Sige pero hindi dapat malaman ni Lyka ah. Mahirap na, alam mo naman si Mildred. Magkita man kami o hindi ay mag-iisip ng iba 'yun."

"Tinulad mo pa siya sa'yo. But okay sige. Pag uwi natin galing trabaho punta ka na dito."

Dumating ang kinabukasan at dumalo na nga ng Reunion si Lyka. Pag uwi niya ay tinawagan siya ni Paulo bago matulog. Hindi alam ni Lyka na nakainom si Paulo.

"Gabi na. Pagod ako, kanina pang madaling araw gising na ako. Alam mo naman na hindi uso day off sa'kin 'diba?" Medyo malambing pa ang boses ni Lyka gamit ang telepono.

"Sige bukas ah? Hindi na kita susunduin. Punta ka na lang sa bahay."

"Oo na! Ikaw talaga, nakakapanibago ka. Nakainom ka ba?"

"Namiss lang kita."

"Isang araw lang tayong hindi nagkasama."

Kinabukasan ay pumunta si Lyka sa bahay ni Paulo. Napansin niya na matamlay ito. "Ano nangyari sa'yo Paulo? Dinalhan kita ng pagkain galing sa Hotel, kainin mo muna."

"Hindi ko sinabi sayo, nakainom ako. Pasensya na." Pagtatapat nito. "Kainuman ko si Michael kagabi nang tawagan kita." Nakadapa ito sa kama.

"Na naman? Sige, ayos lang sa'kin 'yun. Kumain ka na. Tumayo ka at maligo."

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon