Kausap ni Luis si Talim sa telepono habang pauwi sila ni Arturo papuntang Pangasinan. "Bakit ayaw mong ipakilala ang tunay mong katauhan kay Ms. Lyka?"
"Naumpisahan ko na Uncle eh. Lalong magagalit 'yun pag nalaman niya na parang niloko ko siya."
"Binanggit namin sa kaniya ang pangalang Talim pero mas interesado siya kay Carmelo."
"Bakit niyo binanggit ang pangalan ko? Ano ang sabi niya?"
"Ang sabi ko kasi, ikaw ang kausapin sa iba pang impormasyon. Si Carmelo nalang daw ang kakausapin niya at 'wag na daw si Talim."
"Sinabi niya talaga 'yun Uncle?"
"Parang may alam siya tungkol sa'yo eh."
"Oo Uncle eh. Kilala niya kasi si Camille at napag-usapan nila 'yung lalaki na nakatalikod sa phone ni Camille. Pero sabi ni Lyka sakin, interesado daw siya kay Talim."
"Talaga? Pero sabi niya, wala daw siyang pakialam sa taong nagngangalang Talim. Buti hindi niya nakita ang litrato mo na nakaharap?"
"Sinabihan ko na si Camille na wag ipapakita."
"Sige, mamaya na tayo mag-usap. Malapit na kami."
"Hintayin ko nalang kayo."
Kinabukasan ay Tinawagan ni Arturo si Lyka sa mismong personal na numero nito dahil binigay ni Talim. Nagtaka naman si Lyka pero sinagot niya ang tawag. "Hello!" Matipid na sagot niya pagkat alam niyang hindi negosyo ang habol kung sino man ang tumawag sa kaniya.
"Hello Ms. Lyka. It's me, Arthur." Nahulaan na ni Lyka na galing kay Carmelo ang number niya kaya hindi na niya tinanong kung saan nito ito nakuha.
"Hello Ginoong Arthur!" Naalala ni Arturo ang sinabi ni Bellen bago niya ito niligawan.
"Wala na po sakin 'yun Ginoong Arthur, batid ko naman na mabait ka."
Saka nagsalita si Arturo. "Busy ka ba ngayon?"
"Hindi naman po, naglalakad lakad lang." Sagot ni Lyka.
"Ganun ba? May itatanong ako sa'yo, pwede ba?"
Kinabahan bigla si Lyka. "Wala pong problema, ano po 'yun?"
"May boyfriend ka na?"
Nagulat si Lyka, naisip niya na baka ligawan siya ng sariling Tatay niya. "Wala po Ginoong Arthur, akala ko naman kung ano na, kayo talaga." Hindi na magtataka si Lyka dahil marami talagang nanliligaw sa kaniya na mayayamang pulitiko na may edad na.
"Buti naman dahil baka magalit ako."
Pero nagbiro siya. "Balak niyo ba akong ligawan?"
"Hindi, Anak na ang turing ko sa'yo." Biglang napaluha si Lyka sa sinabi ni Arturo kaya habang naglalakad siya ay kunwari nalang na nagtatanggal siya ng muta para mapunasan ang luha niya.
"Tamang tama po, wala akong Tatay."
"Nasa'n ang Tatay mo?"
"Mahabang kwento eh. Personal na masyado."
"Sige, naiintindihan ko. Hindi ka ba busy ngayon?"
"Sana po, Anak na ang itawag niyo sakin. Hindi ako busy, 'wag po kayong mag-alala Tatay Arthur. Medyo maayos naman ang lahat sa mga oras na ito."
"Wow! Nagustuhan ko ang sinabi mo na 'yan Lyka!"
"Anak po!"
"Oo nga pala Anak. Kaso ako nga pala ang busy eh. Tatawagan kita mamaya ah."
![](https://img.wattpad.com/cover/17029411-288-k69914.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.