Inaayos ni Lyka ang gamit niya, napakarami nito. Nilagay niya sa aparador na ibinili sa kanya ni Imelda. Maayos na ang lahat kaya oras na para manood ng Tv. Wala naman klase pagkat Sabado ng araw na ito at nagawa na niya ang takdang aralin. Maya maya ay may dala ang Nanay niyang pagkain at hinainan siya. "Nay salamat. Bakit hindi ka kilala ng mga tao dito?"
"Matagal na panahon na kasi ang nagdaan nung naninirahan pa ako dito, at wala pang gaanong tao nun, lahat ng tao dito ngayon ay galing sa ibang lugar kaya hindi nila ako kilala." Nakatira na kasi sila ngayon sa malapit sa bayan dahil kay Imelda. Nabili ni Imelda ang maliit na lupa malapit sa bayan at siya mismo ang nagpagawa ng bahay nila. Maliit lang ito pero may banyo at isang kwarto. Sapat na ito para maginhawaan ang mag Ina. Nakatago sa pitaka ni Lyka ang ATM card na binigay sa kanya ni Imelda upang kada isang buwan ay may makuha siyang pera sa maliit na banko malapit din sa bayan. Malapit na ang tag init at magkikita na sila ni Paulo. Enero ng makilala niya si Imelda at Marso na ngayon. Dalawang linggo na rin syang hindi tumatakbo ng malayo at hindi mabaho pag papasok sa eskwelahan. Kahit si Anna ay hindi na nagtitinda kaya talagang hulog ng langit si Imelda sa kanya. Binuksan niya ang mamahaling telepono na bigay ni Imelda. Walang mensahe si Paulo kaya nadismaya siya. Nagulat ang lahat pati ang mga nagtitinda sa palengke pagkat hindi na nila nakikitang pawisan si Lyka. Marami na din ang nakakaalam na hindi na sa bukid nakatira si Lyka.
-
Nag uusap ang magkapatid sa telepono. Si Luis at Enrico. "Kuya, nakalimutan kong sabihin, may request nga pala si Alexa sa'kin." Sabi ni Enrico habang naninigarilyo sa balkonahe ng kwarto niya.
"Ano naman yun? Parang kinakabahan ako sa request niya ah?" Dismayadong sagot ni Luis.
"Tungkol 'to kay Talim, gusto niyang makasal sa ampon ni Alice, Kuya."
Nagulat si Luis. "Hindi pwede ang sinasabi mo Enrico, hindi papayag si Talim na masali siya sa kahibangan ng angkan natin. At isa pa, anak ko na si Talim. Huwag niyo siyang ituring lang na ampon ni Alice."
"Pasensya kuya, totoong pamangkin naman ang turing ko sa kaniya pero Kuya, kinukulit ako ni Alexa eh! Maganda naman si Alexa kaya tingin ko makukumbinsi mo si Talim." Napailing si Luis pagkat alam niya na kasintahan ni Talim si Bernadeth, nakatakda nga lang makasal si Bernadeth kay Angelo pero ayaw niyang pangunahan si Talim sa buhay pag ibig nito.
"Enrico, kasalanan mo yan dahil pinalaki mong ganyan si Alexa, she's a brat, hindi pwede ang gusto niya."
"Kuya gusto mo bang ako ang kumausap kay Talim?"
"I'm telling you Enrico, 'wag ka nang mag aksaya ng laway mo, isang daang porsyento.. Hindi papayag si Talim." Tutol si Luis sa kalakaran ng pamilya niya tungkol sa pagpili ng magiging asawa ng bawat miyembro ng angkan niya. Hanggang sa natapos ang pag uusap nila.
Magkasama si Bernadeth at Talim sa ilalim ng puno nang biglang tumunog ang telepono ni Talim. Sinilip nila ito.
Pangalan ni Alexa ang tumatawag. "Sagutin mo Talim." Medyo inis na sabi ni Bernadeth.
"Ayoko siyang kausap."
"Pero baka magalit siya." Nag aalala si Bernadeth dahil ayaw niyang ibunyag ni Alexa ang sikreto niya.
"Kung ano ano na naman ang sasabihin niya sa'kin."
"Talim, may tiwala ako sa'yo na akin ka lang, pag bigyan mo na siya, nakakahiya naman." Sinagot ni Talim ang tawag.
"Hello Talim, kamusta? Miss na miss na kita." Bungad ni Alexa. Dahil tahimik ang paligid ay narinig ni Bernadeth ang sinabi ni Alexa. Lihim siyang nayayamot kay Alexa pero wala siyang magawa.
"Huwag mo sabihing kasama mo 'ko!" Mahinang bulong ni Bernadeth.
Napabuntong hininga si Talim bago nagsalita. "Hindi mo na ako kailangang sabihan ng ganyan Alexa."
![](https://img.wattpad.com/cover/17029411-288-k69914.jpg)
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.