Nasa parking lot na ng Hotel si Arturo. tinawagan na niya si Lyka para sabihing nakarating na siya. Sinalubong siya nito ng yakap. "Lyka Anak! Hindi ako makapaniwala. Anak ba talaga kita?"
"Oo Tay. Dun muna tayo sa office."
Nag-usap sila sa opisina. "Ipagtitimpla kita ng kape, Tay." Nakatingin lang si Arturo kay Lyka habang nagtitimpla ito ng kape. "Baka naman gusto niyo pa ng DNA test?"
"Lyka! Hindi na kailangan. Alam kong sa lahi ka namin. Atsaka sabi ni... Carmelo. Magkahawig nga daw tayo."
"Sinabi niya 'yun?"
"Oo pero inakala lang niya na nagkataon lang. Ngayon ko napatunayan na totoo ang sinasabi niya."
"Close kayo?"
"Parang Anak ko na siya."
"Talaga po? Wow! 'Diba siya ang dahilan kaya tayo nagkakilala?"
"Tama ka. Siya din ang nagsabi na may gumagamit ng apelyido ko dito. Balak ko sanang kunin para mabawi ang apelyido ko pero dahil sa maganda naman pala ang gumagamit. Nagbago bigla ang isip ko."
Binirahan ng tawa ni Lyka. "Kayo talaga, Tay. Ito na 'yung kape mo, masarap 'yan."
Iniabot ni Lyka ang kape. "Gusto kong makita si Bellen, ang Nanay mo. Nasaan siya?"
Nag-isip si Lyka ng isasagot. "Wala siya eh. Saka na. Nasa bakasyon siya ngayon."
"Saan siya nagbakasyon?"
"Sa-sa.... Sa Subic." Imbento ni Lyka.
"Gusto ko siyang daanan ngayon dun."
"Kakausapin ko muna siya. Mukhang galit siya sa'yo."
"Oo galit siya sakin, alam ko naman 'yun pero hihingi ako ng tawad sa kaniya. Malaman ko lang na single siya, liligawan ko siya uli."
"May boyfriend na siya yata." Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Arturo.
"Boyfriend?"
"Joke lang!" Tumawa na naman si Lyka. "Halatang nagselos si Tatay oooooy."
"Ikaw talaga. Akala ko totoo na. Salamat naman at biro lang. Kailan pa siya single?"
"Mula nung iwan mo siya at magpakasal ka sa iba."
"Sinabi niya sa'yo lahat ng ginawa ko?"
Lumuhod si Arturo.
"Taay! Hindi ako galit sa inyo, kay Nanay ka lumuhod." Sabi ni Lyka dahil nabigla siya sa ginawa ng Tatay niya.
"May atraso din ako sa'yo Lyka, hindi ako parte nang pagtatagumpay mo."
"Tumayo ka nga, ikaw na din ang nagsabi na nakasulat na yan sa kasaysayan."
Tumayo si Arturo. "Maraming salamat anak, anong oras ang uwi mo? Pupuntahan natin ang Nanay mo."
"Wag na muna, andito lang siya sa Manila, ang totoo kasi ayaw ka niyang makita. Kakausapin ko muna siya bago mo siya puntahan."
"Pero anak, ayoko na patagalin pa ito. Kailangan ngayon na."
"Sa susunod na, pangako andito lang kami sa Manila."
"Sige pangako ko, magkaron lang ako ng libreng oras pupunta ako dito."
"Sige Tay, gusto mo ipahatid na kita para hindi ka na mag dadrive pauwi mamaya? For the meantime, magstay ka muna dito."
"Dala ko ang kotse ni Luis, masasapak ako nun. At uuwi din agad ako. Sobrang nabigla talaga ako. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na wala pa lang nawala sa'kin."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.