Lumakas ang kaba sa dibdib ni Lyka dahil hindi siya makapaniwala. "Tanong lang uli, Ms. Trinidad. May alam ka bang nililigawan dito ni Carmelo? Nagtaka lang ako bakit napadpad siya dito?"
"Wa-wala, ako!" Nauutal na sagot niya. Tumaas ang kilay ni Martina. "I mean, wala akong alam."
"Kilala mo na ba siya ng lubos?"
"Matagal ko nang alam kung sino siya at ano ang trabaho niya."
"Gwapo pa naman siya. Sayang." Sang ayon si Lyka kay Martina.
"Oo nga pero walang problema kahit sino pa siya 'diba?"
"Naimbitahan ako sa Farm at siya agad ang unang napansin ko. Kasama niya ang mga tauhan sa Farm na nakikipag-usap."
"Paano ka niya nagawang ligawan?"
"Wala naman problema sakin na ligawan niya ako. Pero hindi rin siya kawalan sakin, sino ba siya sa akala niya?"
"Hindi mayabang si Carmelo kahit ganiyan siya."
"Alam ko."
"Masama ba ang loob mo?"
"Hindi ah. Lalaki lang 'yan."
"Baka naisip niya na hindi kayo bagay."
"Dahil ba sa maraming nagkakagusto sa kaniya?"
"Sa tingin ko naman hindi yun ang dahilan."
"Wag na nating pag-usapan ang taong 'yan dahil wala siyang bilang sa buhay ko."
"Oo pero mabait siya."
"Bakit pinagtatanggol mo siya?"
"Dahil kaibigan ko siya."
"Hindi ako naniniwala na kaibigan lang kayo base sa reaksyon mo."
"Kung 'yan ang paniniwala mo bahala ka."
"Mag-ingat ka lang sa kaniya dahil baka hindi lahat ng sinasabi niya'y totoo."
Hindi na nagsalita si Lyka dahil umalis na si Martina. Napa-isip si Lyka sa inasal ni Martina. Halata na apektado ito kay Carmelo. Imbes na mainis siya dahil sa ginawa nito ay pakiramdam niya'y siya ang gusto ni Talim dahil mapagmataas si Martina. Masaya naman siya kahit papaano dahil mas gusto na niyang sa apelyido siya tinatawag dahil may Tatay na siya. Ayaw niya kasi nung una dahil ginaya niya si Imelda na gusto'y sa pangalan tinatawag.
Hindi pa umaalis si Talim dahil nag aalala siya. Kanina pa kasi siya nakatingin kay Martina at kay Lyka habang nag-uusap. Kinakabahan siya kaya nung nakita niyang umalis na si Martina ay tinawagan niya ito para makasiguro. "Carmelo, napatawag ka?" Sagot ni Martina.
"Kilala mo pala si Lyka?"
"It's really true na close nga kayo."
"Sinabi ba niya?"
"Sa pangalan mo siya tinatawag?"
"Oo dahil 'yun ang sabi niya."
"Bakit hindi naman naging problema nung tinawag ko siya sa last name?"
"Teka muna, ano ba ang pinag-usapan niyo?"
"Hindi ka namin pinag-usapan."
"Okay pasensya sa abala."
"Bakit? Iniisip mo na pinag-usapan ka namin?"
"Wala lang."
"Ano mo si Ms. Trinidad?"
"Ano ba ang sabi niya sa'yo?"
"Sagutin mo ang tanong ko!"
"Kung ano nalang ang sinabi niya, 'yun na nalang."
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.