Nabigla naman si Alice nang malaman nito ang totoo. Dali dali niyang kinausap si Talim. "Talim totoo ba na naiwan ka ng bus?" Tanong niya kay Talim.
"Hindi na po kayo dapat mag alala, malapit lang naman." Mapagkumbabang sagot ni Talim pero talagang nag-alala si Alice kaya kinagalitan parin niya si Alexa.
"Napaka sumbongera mo naman Erica" Paninisi naman ni Alexa sa pinsan.
"Mali ang ginawa mo! Dapat pinahintay mo muna si Talim." Nanindigan naman si Erica na tama ang ginawa niya.
"Ewan, nakakainis ka!"
Kinabukasan. "Mamang driver naman, bakit inyo iniwan ang anak ko kahapon?!" Galit na tanong ni Alice ng school bus driver.
"Ang sabi po ni Alexa sinundo niyo na siya." Pagdadahilan nito.
"Hanggat wala akong sinasabi pwede ba maghintay kayo? Naniwala ka sa bata. Paano kung mawala si Talim, kaya mo ba siyang ibalik?!"
"Sorry po Ma'am. Hayaan niyo sa susunod hihintayin ko na po."
"Siguraduhin mo lang dahil hindi mo alam kung gaano kalayo ang tinakbo ng anak ko para makauwi lang."
Maya maya sa loob ng bus. "Pasensya na kayo manong, dahil sakin pinagalitan ka ni Mama." Sabi ni Talim sa driver.
"Ang batang ito, ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa ginawa ko eh."
"Paawa epek lang 'yan hmp!" Singit ni Alexa na hindi mawala ang galit kay Talim.
"Pwede ba Alexa, ikaw ang may kasalanan!" Kontra ni Erica.
"Dapat lang sa kanya yan bleeeeeh!" Pang- asar naman ni Angelo.
"Pst! 'wag mo nalang silang pansinin Talim. Basta ako ang kakampi mo, mga salbahe sila." Bulong ni Erica kay Talim.
"Hayaan mo na Ate Erica, wala sakin 'yun." Ngumiti lang si Erica.
Ilang araw ang lumipas. Laging ganoon ang ruta niya sa araw araw, ang pag malditahan ni Alexa pero hindi naman niya magawang isumbong si Alexa pagkat ayaw niya kasing napapagalitan pa ito. Isang taon pa ang lumipas at dito pinanganak si Camille. Ang nakababatang kapatid ni Talim. Hindi naman natakot si Talim na hindi na siya mabibigyan ng atensyon ng Mama niya dahil sobra sobra na ang tulong na naibigay sa kanya ni Alice. Syempre si Alice ang unang unang sumaya ng pinanganak si Camille. Walong taon si Talim ng mga oras na 'yun. Ngunit hindi naging hadlang si Camille para mawala ang atensyon ni Alice kay Talim. Pero minsan nga lang ay masyado nang abuso si Alexa. Pati si Talim ay napapagbintangan sa mga kasalanan ni Alexa dahil siya ang dinidiin pag nagkakasala ang mga ito. Habang tumatagal naman ay nakikilala na nang lubos ni Alice si Talim kaya lahat ng mga binibintang kay Talim ay hindi nya pinaniniwalaan. "Talim, 'wag kang mag alala. Hindi mababawasan ang pagtingin ko sa'yo bilang anak, magkakampi tayo sa bahay na 'to. Hanggat andito ako walang sinuman ang pwedeng umapi sa'yo." Sabi ni Alice kay Talim. Minsan kasi'y nakikita niya itong malungkot at tulala.
Isang taon pa ang lumipas at dito na magtatapos ang masayang ala ala ni Talim sa piling ni Alice. Isang malakas na bagyo at papauwi na sila Alice galing sa trabaho. Nang biglang nahulog ang sasakyan nila sa fly-over. Patay ang lahat ng sakay ng kotse at kabilang dito si Alice. Isang taon pa lang pinapanganak si Camille ay namatayan na siya ng magulang. Sobra ang hinagpis ng kaanak ni Alice sa sangyari at siyempre, isa si Talim sa nalungkot. Bukod sa mahal na mahal nya ang Mama niya ay wala na siyang kakampi. Nang nailibing na si Alice ay kumpleto silang magkakapatid sa sementeryo. Silbano ang apelyido ng pamilya nila. Kilala ang Silbano sa Pangasinan at umuwi si Luis Silbano ang panganay na kapatid ni Alice. Nang makauwi silang lahat ay malungkot si Talim na nakatungo sa hardin ng mansyon at hindi makapaniwalang wala na ang Mama niya. Siyam na taon ng mga panahon na 'yon si Talim. Tumutulo pa ang luha niya nang dumating ang Uncle niyang si Luis. "Kamusta Talim?"
BINABASA MO ANG
Like A Frog
General FictionMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.