Nalaman ni Paulo ang lahat pero nagpaliwanag naman si Lyka maging sa ina nito na si Mercy. Hindi naman siya babali sa usapan kaya naintindihan naman nila ang pasya ni Lyka.
"Sige Lyka, ikaw ang masusunod, this coming summer ay uuwi ako, magtatayo ako ng negosyo at pagtapos mo ng pag aaral ay gagawin kitang isa sa mataas na posisyon sa kumpanyang iyon. Naniniwala akong makakaya mo itong hawakan dahil ngayon pa lang alam kong marunong ka." Binitawang salita ni Mercy ng makausap niya si Lyka gamit ang telepono.
"Gagawin ko po ang lahat Tita Mercy." Wala nang dapat ayusin pa sa pagitan nila dahil sa usapang iyon.
Dumating ang pasukan. Naglalakad si Talim paakyat ng gusali pagkat pag breaktime ay madalas siya sa rooftop ng isa sa gusali ng unibersidad na pinapasukan niya. May sumunod sa kaniyang tatlong babae. "Carmelo, pwede ba kaming sumama?" Sabi ni Mitch na kakilala ni Talim at isa sa tatlong babae na sumubod sa kaniya.
"Kayo pala, sige sumama kayo. Walang problema." Nakahiga siya sa sa simento at inunan niya ang maliit niyang bag, habang ang tatlong babae ay nakaupo sa tabi nya.
"Carmelo, bakit parang hindi ka nakikisama sa mga clasmate mo? Lagi kang nag iisa?" Tanong ni Mitch.
"Hindi ko gustong makisama sa mga bata."
"Ilang taon ka na ba?" Tanong naman ng isa.
"17."
"Bata ka rin naman pla eh!" Tumawa pa ang tatlo.
"Kahit na. Lumaki ako na puro mas matanda sa'kin ang nakakasama ko, maliban kay Bernadeth."
"Girlfriend mo?" Tanong ni Mitch.
"Oo." Nadismaya ang tatlo.
"Ang akala ko pa naman, single ka Carmelo." Sabi uli ng isa.
"Pasensya ka na kasi matagal ko na siyang kasintahan."
Medyo tahimik si Talim sa eskwelahan pero hindi naman dahilan ito para hindi siya magustuhan ng mga babae. Kaya may ilan na masasamang lalaki ang nagpaplano na bugbugin siya. Kitang kita ni Mitch ng isang beses na plano niyang sundan si Talim ay may tatlong lalaki siyang nakitang paakyat. "Huwag kang maingay ah." Sabi ng isa sa kaniya.
"Bakit?" Tanong niya dito.
"Basta, huwag na huwag mo kaming isusumbong o kunwari na lang wala kang nakita para hindi ka madamay."
Umakyat ang tatlong lalaki.
Naglalakad si Talim nang nahalata niyang may taong sumusunod sa kaniya. Hinayaan lang niya ito. Hangang sa pag akyat niya ng itaas ay nagpakita ang tatlo. "Ikaw si Carmelo, tama ba?" Tanong ng isang lalaki na mukhang basagulero at ang dalawang kasama niya ay nakangiti lang.
Alalang alala parin si Mitch kay Talim pagkat alam niya na nanganganib ito. Hindi siya natakot sa tatlong lalaki dahil marami din siyang katropa. Isinama niya ang tatlo din niyang kaibigan para tulungan si Talim. Umaakyat sila ngayon pero nasalubong nila si Talim. "Carmelo okay ka lang?" Tanong ni Mitch na tila nagtataka.
"Okay naman bakit?"
"Wala naman." Sabi ni Mitch at tumingin ang tatlo niyang kasama. Nagtataka ang mga ito kay Mitch. "Saan ka pupunta? Bakit aalis ka agad?"
"Nawalan lang ako ng gana na manatili pa sa itaas." Naglakad pababa si Talim.
"Mitch, akala ko ba tutulungan namin siya?" Tanong ng isa.
"Baka hindi natuloy. Baka hindi pa ngayon."
"Umakyat muna tayo, magpapahangin lang, pinagpawisan ako." Sabi ng isa. Umakyat sila pero pagbukas nila ng pinto ay may tatlong nakabulakta at duguan. Gulat na gulat si Mitch at nahulaan nila na si Talim ang may kagagawan nito. "So, ibig sabihin, tatlo silang nilabanan ni Carmelo?" Pagtataka ng isa.

BINABASA MO ANG
Like A Frog
Ficção GeralMahirap sa isang nagmamahal ang magsakripisyo lalo kung ang mismong mahal mo ang isasakripisyo mo para lang sa nakararami.