41. Maria Sharapova

606 24 4
                                    

Nabigla din si Lyka sa sinabi niya. Hindi pa nga pala kasi pormal na nanliligaw sa kaniya si Talim.

"OMG Lyka! Alam kong galit ka sakin dahil madalas akong magyabang pero sa'yo na ang lahat ng lalaki dito 'diba? Ipa-ubaya mo na siya sakin."

"Leslie! Mahalay sa isang katulad mo ang magyaya sa lalaki."

"Galit ka lang kasi sakin Ms. Lyka."

"Hindi ako galit sa'yo, naninibago lang ako."

"Bago man sa paningin mo o hindi.. alam ko naman na walang pag-asa sa'yo ang lalaking ito. Aminin mo na kasi na may galit ka sakin."

Parang nag-aaway na sila kaya plano ni Talim na pagbigyan na si Leslie para walang gulo. Alam naman niyang hindi pa ito makakaapekto kay Lyka dahil guest naman si Leslie. Siguro naman, pag nagpaliwanag siya'y sasang-ayon si Lyka. Hindi pa niya kasi ramdam na may pananagutan siya kay Lyka. Hindi pa niya ito kasintahan. "Tama na! Sige sasama na ako para walang gulo." Sumenyas ang mata ni Talim kay Lyka pero magulo ang utak nito kaya hindi niya makuha ang ibigsabihin ni Talim.

"See? Don't you ever stop us because even him was agreed."

"Carmelo! 'Wag kang sasama diyan. Pag sumama ka, 'wag ka nang magpapakita sakin."

"Tatawagan kita mamaya." Panay parin ang senyas ni Talim na ang ibig sabihin ay payagan na si Leslie para walang gulo. Sanay naman kasi sa negosyo si Talim kaya meron dapat pinapaboran sa ganitong pagkakataon. Pero magulo ang utak ni Lyka kaya hindi niya makuha ang ibig sabihin ni Talim.

"Ms. Lyka! Hindi mo dapat siya tinatakot. Let him choose kung kanino siya sasama." Naiwan siyang nagngingitngit sa asar kay Leslie.

"Ismael, sumama ka!" Sabi ni Talim sa kasama.

Hindi pa sila nakakalayo nang masalubong nila si Camille. Sumunod pala. "Ku...." Sumenyas agad si Talim kay Camille. "Ms. Leslie, saan kayo pupunta?" Tanong ni Camille pero nakatingin sa Kuya niya. Sumenyas ang mata ni Talim kaya iniba ni Camille ang sasabihin.

"Ms. Camille, 'wag mo nang tignan ang lalaki na 'to. Driver lang siya at hindi dapat pinag-aaksayahan."

Umalis na sila na hawak hawak si Talim sa braso. Magkakilala na kasi ang mga regular guest sa Hotel kaya magkakilala si Camille at Leslie. Napansin ni Camille si Lyka kaya lumapit siya dito. Nabasa niya sa mukha nito na naiinis. "Ms Lyka! Bakit mo hinayaang sumama si.. 'yung truck driver na 'yun kay Leslie?"

Napatingin si Lyka kay Camille. "Kilala mo ang driver na 'yon?"

Nabigla si Camille at agad nag-isip ng sasabihin. "Hindi ko siya kilala. Nalaman ko lang dahil nakita ko siyang bumaba sa truck nung nakaraan."

Naniwala naman agad si Lyka dahil hindi malayong tandaan ni Camille ang mukha ng isang gwapong lalaki kahit driver lang ito. "Bakit mo sinasabi sakin na hinayaan ko sila?"

"Alam ko kasi na napipilitan lang siyang sumama kay Leslie at nahulaan ko na ikaw ang pakay niya dito."

Buti mabilis mag-isip si Camille ng idadahilan sa sarili niyang kapalpakan. "Tama ka. Masyado nang abuso si Leslie."

Ngayon lang nakita ni Camille si Lyka sa ganoong kondisyon. Biglang umalis si Lyka. "Ms. Lyka saglit lang." Habol ni Camille.

"Mamaya tayo mag-usap, busy ako." Sabi ni Lyka habang lumalakad ng mabilis.

"Wag mo sanang hayaan sa iba ang driver na 'yun! Bagay kayo!" Hindi na siya pinansin ni Lyka.

Hinanap niya ang assistant niya. "Ma'am Claire, ikaw muna ang bahala sa Hotel. Uuwi lang ako saglit." Sabi ni Lyka na halatang nagmamadali.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon