53. Pinanganak Si Lyka

587 23 3
                                    

"Totoo nga ang sinabi mo Luis. Napakaganda pala talaga ni Bellen." Nangniningning na mata na sabi ni Arturo kay Luis.

"Oo kaya nakakahiya ang ginawa mo. Marami kang makakaaway pag si Bellen ang tinarantado mo."

"Bakit? Marami ba siyang kamag-anakan dito?"

"Hindi! Maraming lalaki na gustong maging katipan si Bellen kaya bago pa may makaalam niyang ginawa mo na 'yan, humingi ka na ng pasensya."

"Ganun ba? Sa tingin mo natatakot ako sa sinabi mo? Oo hihingi ako ng dispensa pero hindi nangangahulugan na natatakot ako sa mga lalaki dito!"

"Basta pumunta ka ngayon doon. Hindi kita masasamahan dahil maraming trabaho dito."

"Parang gusto kong magalit sakin ang mga lalaki dito kaya dapat na malaman nila ang ginawa ko."

"Tarantdo ka talaga. Bakit naman?"

"Dahil sa ganda ni Bellen. Walang sino man ang may karapatan sa kaniya. Alam mo ba na ang tapang niya? Hinarap niya ang itak ko na wala kang makikitang takot mula sa mukha niya."

"Talaga?"

"Oo! Sige pupunta na ako."

Nakarating na nga siya sa karinderya. "Wala siya dito Arturo. Tulog siya sa ganitong oras. Ano ba ang kailangan mo sa kaniya?" Tanong ni Rosana.

"May sasabihin lang ako."

"Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ng isang lalaki na kumakain sa karinderya.

"Ako na ang magsasabi. Babalik ako mamaya."

"Taga Farm ka 'diba? Ako nalang ang magsasabi ng sasabihin mo para hindi ka na bumalik." Sabi uli ng lalaki.

"Kailangan kong bumalik dahil malaki ang kasalanan ko kay Bellen."

"Ano ba ang nagawa mo?" Tanong ni Rosana.

"Lasing lang ako kagabi eh. Nasigawan ko siya."

Tumayo ang lalaki. "Binastos mo ba si Bellen?!"

"Ano mo ba si Bellen? Bakit kanina kapa sabat ng sabat diyan?!" Napikon na si Arturo.

"Manliligaw ni Bellen 'yan." Sabat ni Rosana.

"Manliligaw ka lang pala eh. Ako na ang magsasabi mamaya. Babalik ako."

Umalis si Arturo at bumalik din agad sa hapon. Nakita niya agad si Bellen. "Buti andiyan ka na Binibini." Bungad niya.

"Kakain ka ba?" Tanong ni Bellen ng makita siya.

"Hindi, may sasabihin lang ako."

"Ano 'yun?"

"Ako nga pala si Arthur, pagpasensyahan mo na ako kagabi at nakainom lang ako. Hindi ko dapat 'yun ginawa sa isang napakagandang Binibini na tulad mo."

Namula naman bahagya si Bellen at napansin 'yun ng mga lalaking kumakain. "Wala na po sakin 'yun Ginoong Arthur, batid ko naman na mabait ka."

"Hindi ka galit sakin Bellen?"

"Kalimutan na natin ang nangyari."

Nagsalita ang isang lalaki. "Galangin mo siya Bellen. Mas matanda siya sa'yo." Singit ng isang kumakain.

"Hindi na niya ako kailangan pang galangin dahil halata sa itsura na magkapantay lang kami." Sagot ni Arturo.

"Bakit ka nanghingi ng pasensya? Ano ba ang atraso mo?" Tanong ng lalaki.

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon