59. Ideya

622 23 3
                                    

"Saan ka ba galing Lyka? Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot." Tanong agad ni Bellen pagdating ni Lyka sa Mansyon.

Nakatingin lahat sa kaniya pagdating niya at si Anna ay tinignan siya ng makahulugang tingin. "Naka silent ang phone ko kaya sa condo ako dumiretso."

"Diba plano ni Carmelo na sumama sa condo?!" Nakatawang tanong ni Anna.

"Hey! It's not what you think. Hindi ako nagdadahilan lang. Hindi ko sinadya na mangyari 'yun." Sabi ni Lyka at nakatingin parin sa kaniya ang lahat. Nakatawa lang pasimple si Anna dahil nahulaan niya kung ano ang nangyari sa condo.

-

"Papa, kailangan natin ng mas malaking kita sa Pangasinan." Sabi ni Enrico sa Ama niyang si Don Berto sa opisina mismo ng ama niya.

"Hindi ako papayag Enrico!" Sagot ni Don Berto. "Ako ang Presidente dito kaya ako ang masusunod. Hindi ako papayag na mawala ang Farm."

"Kaya nga kinukumbinsi kita dahil alam kong hindi ka papayag. Mas malaking kita ang naghihintay sa'tin pag nagpatayo tayo ng ibang building sa Pangasinan. Kailangan nating magkaroon ng meeting sa board para malaman mo din ang gusto ng nakararami."

"Hindi lang ako, pati si Luis ay may share din. Hindi siya papayag na mawala ang Farm dahil hilig niya 'yun. Hindi mananalo sa boto ang marami dahil ako ang may pinakamalaking porsyento ng boto."

"Baka maunahan pa tayo ng iba. Dumadami na ang tao sa lugar natin doon. Hindi na tayo makakabili ng murang lupa ngayon para magtayo doon ng negosyo. Ang pag-asa nalang ay gibain ang Pabrika at palitan ng modernong pagkakakitaan."

"Hindi mangyayari ang gusto mo dahil malaki na ang hirap namin ni Luis sa Farm. Itutuloy ni Talim 'yun kaya hindi na 'yun mawawala pa. Ipapamana niya sa magiging Anak niya." Hindi kayang kumbinsihin ni Enrico ang ama niya. Gusto niya kasi na maangatan ng Anak niyang si Angelo si Talim. Pag nawala ang Farm ay si Angelo na ang mamumuno at hindi na si Talim sa itatayong kumpanya sa Pangasinan. Magaling din si Angelo humawak ng negosyo pero angat sa kaniya si Talim dahil buong kumpanya ang mamanahin niya pag dating ng panahon. Ayaw nila sa Farm kaya ayaw ni Enrico na patakbuhin ito. Hindi nga lang niya inaasahan na may sasalo nito. Ito nga ay si Talim. 'Yan ang ayaw sana nilang mangyari. Kailangan niyang makaisip ng paraan.

-

"Kamusta Anna?" Bati ni Paulo ng magkita sila sa Hotel.

"Paulo! Ikaw pala, okay lang ako kaso wala pa akong trabaho eh. May alam kabang trabaho?"

"Trabaho? Wala bang sinabi sa'yo si Lyka tungkol diyan?"

"Wala eh. Hindi naman daw ako pabigat sa kaniya, kaso ayaw ko nang ganito lang ako. Pabanjing banjing. Gusto kong magtrabaho."

"Sige, may alam akong trabaho."

Biglang dumating si Lyka. Narinig niya si Paulo. Hinanap niya kasi si Anna na hinayaan niyang naggagala sa Hotel. "Hindi pwede, Paulo. Kailangan ko dito si Anna." Sagot agad ni Lyka.

"Pansamantala lang. Nakakainip din ang walang ginagawa ah. Parang hindi tumatakbo ang oras ni Anna."

"Oo nga Lyka, single pa naman ako ngayon. Pa'no ako maliligawan niyan?" Malungkot na sabi naman ni Anna.

"Arranged Marriage gusto mo? May alam akong pwede." Nakangiting sabi ni Lyka.

"Sige Lyka, basta gwapo ah." Nagtawanan sila.

"So, kailan magtatrabaho si Anna?" Tanong ni Paulo.

"Nagtatrabaho na siya."

"Trabaho ba 'tong ginagawa ko? Palakad lakad!"

Like A FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon